SERBISYONG may takot sa Diyos ang ihahatid ng tambalang Mayor Bebong Gatchalian at Pastor Eric Fernandez, kandidato sa pagka-alkalde at bise alkalde sa Lungsod ng Malolos sakaling mahalal sa nalalapit na Mat 9, 2022 national and local elections.
Sa panayam kay Mayor Gatchalian, re-electionist para mayor sa nasabing siyudad, pinili niya na maging running-mate si Fernandez, isang born again christian pastor buhat sa Victory Church dahil naniniwala siya na kailangan sa isang lingkod bayan ay isang maka-Diyos.
“Naniniwala po ako na dapat ay nasa una ang Panginoon sa bawat gawain ng isang serbisyo publiko o lider ng pamahalaan upang ang kaloob ng Diyos ang manaig at hindi ang personal na interes,” pahayag ni Gatchalian.
Si Mayor Bebong Gatchalian ay kilala bilang isang “straight” public servant dahil na rin sa kaniyang paglilingkod na walang bahid ng korapsyon dahil na rin bilang isa ring born again christian na pinagkatiwalaan sa maraming taon ng mga Malolenyo.
Bilang founder ng Bulacan Victory Church na nakabase sa Malolos at mayroon 25,000 miyembro, si Pastor Eric Fernandez ay kapareho rin ni Mayor Gatchalian ng layunin na makilala ang kahalagahan ng paglilingkod kasama ang Diyos upang maitama o maiwasto ang mga maling sistema sa gobyerno.
“We present and humbly offer ourselves looking for ‘hope’ for our people and bringing it to them because GOD is the hope, let Him be always the first,” ayon kay Gatchalian.
Binigyan-diin ni Pastor Fernandez na ang isang lingkod bayan ay kailangang mayroon kahandaan at takot sa Diyos.
Si Gatchalian at Fernandez ay kapwa nasa ilalim ng National Unity Party (NUP) kung saan dumagsa ang libu-libo nitong mga taga-suporta sa ginanap na proclamation rally sa unang araw ng kampanyahan ni dinaluhan ng party standard bearer sa gubernatorial bid na sina re-electionist Governor Daniel Fernando at vice-gubernatorial candidate Bokal Alex Castro na ginanap sa new Malolos City Hall.
Mababatid na si Gatchalian ay nahalal bilang city councilor noong 2004 to 2010, nanalong vice mayor ng 2010 bago nahalal na punong lunsod ng 2019.
Si Mayor Bebong ay kinagiliwan at bumilib ang mga Malolenyo at hinangaan din ng mga kapwa niya alkalde sa Bulacan dahil sa pinairal nitong transparent na pamamahala bilang lingkod bayan na kung saan ay hindi siya nabahiran ng kung ano mang korapsyon dahil sa hindi nito pagtanggap ng mga goodwill o grease money sa kaniyang paglilingkod.
At sa pagsanib-puwersa nina Gatchalian at Fernandez ay maayos, matapat at maka-Diyos na pamamahala ang kanilang ihahatid at ipamamalas sa bawat Malolenyo.
“Tinatanggihan po natin ang ano mang ibinibigay sa atin outside of our salary dahil ang mga pagpapala po ay hindi galing kung saan kundi galing sa Diyos”.
Pahayag naman ni Fernandez ngayong kampanyahan ay wala silang ilalabas na pera na magbubuhat sa kanilang bulsa at tanging mga donasyon lamang mula sa mga nagtitiwala ang kanilang gagamitin para sa nasabing eleksyon.
“Ang gusto natin ay suportahan, palawigin at magtuloy-tuloy ang inumpisahan ni Mayor Bebong na hindi gumagasta pag election pero laging nananalo. Tapang, katapatan, kahandaan, kagalingan at takot sa Diyos ang lagi lamang baon at bala sa labang ito,” wika ni Fernandez.