Narito ang napakahalagang pahayag ng Ama ng Lalawigan ng Bulacan na si Gov. Daniel Fernando, na ating sinipi sa kanyang Opisyal na Pahayag sa Pagbubukas ng Taong Pampaaralan 2022-2023, at Pagsisimula ng Face-to-Face Classes. Napakahalaga po: “Batid ko po ang pangamba ng mga magulang sa muling pagsisimula ng face-to-face na klase kaya naman bilang Ama ng Lalawigan, nais ko pong siguruhin sa inyo na gagawin ko ang lahat, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor ng lipunan, upang tutukan ang kaligtasan ng ating mga anak sa pagtuntong nila sa paaralan. Bagaman nariyan pa rin ang panganib na dulot ng COVID-19, dengue at iba pang sakit na maaaring makaapekto sa ating mga mag-aaral, maraming pag-aaral ang nagpapatunay na mahalaga ang pisikal na pagbabalik-eskwela para mapaunlad ang social skills at tuluy-tuloy na pagkatuto ng mga estudyante. Mahigpit rin ang ating direktiba sa palagiang pagbabantay sa pagsunod sa mga umiiral na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpapanatili ng physical distancing, palagiang paghuhugas ng kamay, at maayos na bentilasyon upang patuloy na makapag-ingat sa banta ng nakakahawang virus ang mga bata.”
Tsk! Tsk! Tsk! At heto ang huling salita ni Fernando, “sa huli, itaas natin sa ating Panginoon ang kaligtasan at katagumpayan ng mahalagang gawaing ito.” Mabuhay ka Gobernador!
PAGHALANG NI BBM SA PRESYO NG ASUKAL, AYOS!
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sinisiguro na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng asukal, upang pamalagiin ang maayos na pagtakbo, at ang seguridad sa hanapbuhay ng mga ‘country’s food manufacturers,’ o sa mga tagagawa ng pagkain sa bansa sa negosyong kinasasangkutan nga ng asukal.
Sa ating nakalap na impormasyon sa ‘Social Media,’ sinabi ni Marcos na, “hangad natin ang maayos na takbo ng mga negosyo at magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mga kababayan natin sa industriya ng fast-moving consumer goods o FMCG kaya naman ating sinusuri ang pagtatakda ng malinaw na sistema na may kinalaman sa pagtaas ng suplay ng asukal.”
Tsk! Tsk! Tsk! Ito ay ng kanyang miniting ang mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers Inc. (PCFMI) sa Malacañang, kamakailan, upang harapin ang mga alalahanin sa suplay ng asukal sa bansa. Dahil sa pagpigil ng presyo, tiyak na apektado lahat ng pagkaing nilalagyan ng asukal, pati itong nagtitinda ng taho at kape. “Kaya mag-‘black coffee’ at iwasan ang matatamis na inumin, tulad ng soda! Kaya mag-taho na lang kayo ng walang pampatamis,” wika ng magtataho. Ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng asukal ay mahusay na pagpapasya ng Pangulong BBM!
***
SUHESTIYON NI SEN. VILLANUEVA?
Heto pa ang magandang balita. Iginiit ni Sen. Emmanuel Joel Villanueva na i-tap ng Gobyerno, ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) para i-promote ang mga produktong gawa sa lokal sa domestic at international market.
Ayun sa kanya na ang MSMEs na gumagawa ng mga lokal na produkto ay nagpapalakas ng lokal na trabaho, nagpapasigla sa ekonomiya, ‘and instill hometown and national pride.’
“Kunin natin, halimbawa, ang mga matatamis at masasarap na pagkain mula sa Bulacan. May kakaibang pagmamalaki na ang isang masarap na bagay ay maaaring gawin sa iyong bayan ng iyong kababayan, at ibahagi sa buong bansa at sa buong mundo. Bawat Pilipino ay dapat makaramdam ng ganoong klase ng pagpapahalaga,” sabi ni Villanueva.
Tsk! Tsk! Tsk! Iyan ang magandang balakin o mithiin ng ating magiting na Senador Villanueva, na ating isinalin naman sa wikang tagalog. Mabuhay ka Sen. Emmanuel Joel Villanueva!