Mag-ingat sa mga Spam Messages

Mga ka-idol, nitong nakaraang araw ay nagbigay ng babala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa spam messages.

Ano ba ang ‘spam”? Tanong ito ng ka-tropa ko na minsan ay nakatanggap na rin ng spam messages at muntik nang ma-okray..

Ang ‘spam’ sa pagkakaalam ko ay isang unsolicited and typically welcome message often commercial or political in nature, transmitted via the internet as a mass mailing, kadalasan ito ay galing sa ficticious user or domain, sa large number of recipients.

Bukod sa ka-tropa ko ay napaulat kasi na ilang indibiduwal ang nakakatanggap ng spam messages na nag-aalok ng trabaho at iba pang Christmas freebies.

Sinabi ng pambansang pulisya na isang uri ng modus operandi ang spamming upang maakit ang ilang indibiduwal na puntahan ang link para makuha ang mga personal at sensitibong impormasyon.

Ayon kay PNP Chief Dionardo Carlos, karamihan sa mga naging biktima ay nahulog sa mga patibong nang alukin ng trabaho tulad ng pagproseso sa online orders ng shopping app..

Ang mga scammers kasi ay nagpapakilalang konektado sa mga well-established companies na nagpo-proseso umano ng job application.”

Paalala ng PNP, sakaling makaranas nito, siyasatin muna ang impormasyon ukol sa kumpanya bago magbigay ng anumang detalye.

Huwag ding pansinin ang mga mensahe na hindi kilala ang nagpadala at para sa anumang tulong o reklamo, maaring bisitahin ng publiko ang https://acg.gov.ph/eComplaint at sa kanilang Facebook page na @anticybercrimegroup o numerong 09054146965.

_______________________________*******************************_________________________________________.

Botante ako sa bagong distrito ng Bulacan, ang Bulacan 6th district na kinabibilangan ng mga bayan ng Angat, Norzagaray, at Sta.Maria.

Dito ay maitatala sa kasaysayan kung sino ang kauna-unahan na magigiging kinatawan sa Kongreso ng bagong distrito sa lalawigan.

Apat ang aspirante sa pagka-kinatawan sa distritong ito, sina dating DPWH Usec Slvador Pleyto, Sta.Maria 2nd Councilor Kaye Martinez, Norzagaray Mayor Fred Germar at better half ni Snooky Serna na si Ramon Villarama.

Pawang magagaling na may kakayahan namang maging Kinatawan sa Kongreso kaya mahirap timbangin kung sino sa kanila ang iboboto ko, ng pamilya ko at kamag-anakan.

Malayo pa naman ang halalan kaya pakasusuriin muna naming mabuti ang kredensiyal ng mga aspiranteng ito nang sa gayon ay hindi masayang ang boto namin.

___________________________________*********************___________________________________________

Hugot: Maging tapat ka sa isang pulitiko, lalo na ‘yung tumutupad sa pangako tuwing Pasko! ([email protected])