ISANG simpleng harapan ang ating natanggap mula sa paanyaya ng matikas at masipag na si G. Roberto P. Esquivel, Head- City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group, City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan.
Sa isinagawang panayam ng Katropa, ay ating napag-alaman na walang humpay sa trabaho ang kanilang tanggapan, para lamang lubos na mapaglingkuran ang mga San Josenios at mga nagsisidalaw sa nasabing Lungsod.
Ayon kay Esquivel, na ‘protegee’ ni dating traffic czar at MMDA Chairman Bayani Fernando, ay nagsabing, “ang mandato ng aming opisina ay para ayusin ang traffic sa Lungsod at para ayusin ang kapaligiran. Tulad ng ating proyektong pampaganda, at ang pagsasaayos ng mga gilid ng kalsada, pati ang paglilinis mismo sa kalsada, na talagang ginagampanan ng aming mga tauhan dito, ang kanilang mandato sa mga San Josenios.”
Binanggit pa rin niya na, kung kayo man ay medyo nasisikil, at hindi nasanay sa mga nakaraang administrasyon na kayo ay hinuhuli, dahil wala kayong mga lisensiya o nagba-‘violate’ kayo, nagpa-parking sa mga kalsadahan.
Ang ating kalsada ay para sa ‘moving vehicle’ at ang ating sidewalk naman, lakaran ng tao ay para sa ‘pedestrian’ para wala tayong ‘conflict’ sa kalsada. Ibig sabihin nito ay sundin ang batas trapiko, upang walang problema.
“Okey, at ng mapakinabangan ng mga naghahanap-buhay sa kalsada, ang kalsadahan, para wala silang traffic, kapag sila ang bumibiyahe. Lalo na ang ating mga ‘public transport,’ ngayong nakakabalik-balik sila ng mabilis-bilis. Nawala dito ang mga ‘heavy traffic.’ Kaya kayong mga ‘motorist’ ipaubaya ninyo sa gobyerno, ang inyong mga pangangailangan sa kalsada. Nandirito ang ‘City Government’ na pinamumunuan ng ating City Mayor Arthur Robes, at ang laging tagubilin sa amin ay ayusin at tumulong sa mga taga-San Josenios, hindi para kayo ay masikil, ang inyong mga karapatan, hindi po ganoon,” sa patuloy ni Esquivel.
Tsk! Tsk! Tsk! Sa tagulan nabanggit din ni Esquivel, na tuloy-tuloy ang kanilang gawain at marami na din silang mga nagagawang ‘drainage cover’ para sa mga butas, na kadalasan ay pinagmumulan ng aksidente sa kalsada at ‘highways,’ at ang iba pang preparasyon para sa tag-ulan na ito.
Nagtri-‘trim’ din sila ng mga puno, sa lahat ng kalsada. Hindi lamang sa ‘traffic,’sila abala, ang mga ‘traffic enforcers’ kung ‘Sunday’ ay nagwawalis sa palengke, naghuhugas ng mga ‘furnitures’ na nakalagay sa kalsada, dahil naalikabukan yan, ika niya. Patuloy ang paglilinis at ang ‘grass cutting under beautification.’ Gayundin ang mga pagaalaga sa mga halaman at mga punong nabuwal, ay kanilang binibigyan ng atensyon. “Hindi natin matatangap ang gayong kapabayaan ng gobyerno, kung bakit nabuwal iyun, kasi hindi tini- ‘trim,’” ayon pa sa makisig na si Esquivel. Kapuna-puna naman talaga ang kaayusan sa trapiko at kapaligiran sa CSJDM. Mabuhay po kayo!