31.19Malolos

Friday, 24 January 2025

Follow Us

Follow Us

  • Home
  • /
  • Region
  • /
  • Libreng kasal para sa 210 couples isinagawa sa Bulacan

Libreng kasal para sa 210 couples isinagawa sa Bulacan

Kasalang Bayan
Sa inisyatibo ni Bulacan Governor Daniel Fernando kasama si Bokal Alex Castro ay kabilang sina Lolo Ponciano at Lola Valeriana Tiglao (inset) sa mga bagong mag-irog na sabayang ikinasal sa 120 couples sa ginanap na “Kasalang Bayan”, mass wedding ceremony sa CSJDM Convention Center sa Barangay Sapang Palay sa nabanggit na Lungsod. Kuha ni: ERICK SILVERIO 

NASA 210 couples ang humabol sa “love month” kung saan ang mga ito ay sabayang ikinasal sa isinagawang “Kasalang Bayan” mass wedding ceremony na ginanap sa City of San Jose Del Monte Convention Center sa Barangay Sapang Palay, at Barangay Fatima V, CSJDM, Bulacan nitong Linggo, Pebrero 27, 2022. 

Ang magkahiwalay na libreng “Kasalang Bayan” ay pinangasiwaan ni Born Again Christian Rev. Neil Muñoz sa inisyatibo ni Bulacan Governor Daniel Fernando bilang major sponsor o ninong kasama ang mga co-sponsors Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, 4th District Board Members Alex Castro, Jonjon Delos Santos, Councilors Ian Baluyot, at Mario Batuigas. 

Kabilang sa mga bagong ikinasal ay ang 94-anyos na si Lolo Ponciano Tiglao at Lola Valeriana Tinio-Tiglao, retired teacher at kapwa residente ng Barangay Gaya-Gaya, CSJDM. 

Ayon kay Lola Valeriana, kapwa sila biyudo at biyuda at nagsimula silang magsama 31 taon na buhat nang mamatay ang una nilang mga asawa. 

“Hindi kami agad nakapagpakasal dahil sa mga problema sa dokumento, pero napakasaya namin ngayon parang dalaga at binata sa pakiramdam,” ayon sa bride. 

Matapos ang seremonya sa convention center ay tumungo naman sa Barangay Fatima V sina Fernando at Castro kung saan nasa 90 pares nnaman ang ikinasal at sila rin ang tumayong “Ninong” sa mga ito.  

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Fernando na hindi siya pabor sa divorce kung saan ipinaliwanag niya kung gaano kasagrado ang kasal na tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay. 

Nitong nakaraang Linggo, Pebrero 21 ay nasa 210 couples ang ikinasal rin sa isinagawang civil mass wedding sa Norzagaray, Bulacan sa pangunguna naman ni Mayor Alfred Germar kasama rin sina Fernando at Castro.