Nasa 765 public at private school teachers ang pinagkalooban ng free Influenza vaccine o flu shots ng Lokal na Pamahalaan ng Pandi sa Bulacan sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque na ginanap sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School nitong Lunes, Oct. 23, 2023.
Ang nasabing libreng bakuna ayon kay Roque ay pinangasiwaan ng mga staff ng Pandi Municipal Health Office at mga nurses mula sa Department of Health (DOH)-Bulacan.
Nabatid na ang mga guro ay mula sa 76 paaralan na kinabibilangan ng 28 public schools, 44 Day Care schools at4 na private schools.
Ayon kay Roque, ang 655 teachers ay mula sa mga pampublikong paaralan at 110 na guro ay mula naman sa pribadong paaralan.
“Ang kalusugan at kaligtasan natin ay mahalaga higit sa kailanman, Kung kaya bilang suporta at pasasalamat po sa inyong sipag at dedikasyon, handog ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang Libreng Influenza Vaccination para po sa inyo mga mahal naming mga Guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan,” wika ng alkalde.
Ang nasabing free vaccine ay bahagi ng health care concern ng munisipyo na naglalayon na mabigyan ng proteksyon ang mga guro kontra sa trangkaso na makakaapekto sa kanilang trabaho at konsentrasyon habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.