Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography ang inagurasyon ng Super Health Center sa bayan ng Guiguinto, Bulacan sa Masagana Subdivision, Barangay Sta. Rita nitong Miyerkules (Oktubre 16).
Kasama ng senador sa isinagawang pagpapasinaya sina 5th District Congressman Ambrosio Cruz Jr; Guiguinto Mayor Paula Agatha Cruz at aktor na si Philip Salvador na sinnaksihan ng iba pang lokal na opisyal at daan-daang Guiguinteno.
Ayon kay Go, ito na ang ika-10 Super Health Center sa lalawigan ng Bulacan na operational na kung saan ay nakatakda na rin buksan ang SHC sa mga bayan ng San Ildefonso, San Rafael, Sta. Maria at Obando.
Ito ay pinondahan ng Department of Health (DOH) na aabot sa P12-milyon kasama na rito ang P10-milyon sa pagpapatayo ng gusali at P2-milyon naman para sa mga kagamitan sa nasabing pasilidad.
“The Super Health Center will serve as a hub for various primary healthcare services, including database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, and ambulatory surgical unit. Other available services are eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy and rehabilitation center; and telemedicine. The centers can also be used as satellite vaccination sites for Filipinos who live far from the urban centers,” wika ni Go.
Ayon pa sa senador, ito ay isang medium type of a polyclinic na inilapit ang serbisyo medikal sa komunidad upang hindi na sila kailangan mag biyahe pa papunta sa malalayong ospital.
“Through the collective efforts of Go, the Department of Health (DOH) and fellow lawmakers, sufficient funds have been allocated for the establishment of more than 600 Super Health Centers nationwide,” dagdag ni Go.
Aniya, malaking bagay ang mga Super Health Center para sa mga mahihirap kabilang dito ang mga apektado ng sakuna at kalamidad upang hindi na sila mapag-iiwanan sa mga serbisyong pangkalusugan kung saan sa pamamagitan ng mga SHC ay makakatulong ito para ma-decongest ang ibang mga ospital.
Matapos ang pagpapsinaya ay nagtungo naman ang Team Go sa Guiguinto Municipal Gym upang pangunahan naman ang pamamahagi ng tulong pinansyal at food packs para sa 1,000 mahihirap sa nasabing bayan.
Binanggit din ni Go ang enactment ng RA 11959, kilala bilang Regional Specialty Centers Act na siyang principal sponsor at author sa senado.
Ito ay ang pagpapatayo ng Regional Specialty Centers sa mga existing DOH regional hospitals.
Lubos naman ang pasasalamat nina Cong. Cruz at Mayor Cruz sa suporta mula sa senador.