LUNGSOD NG MALOLOS – Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-49 Buwan ng Nutrisyon, hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na kumain ng masusustansiyang pagkain at magkaroon ng healthy lifestyle kung kaya naman dapat mayroon silang access sa malusog at abot-kayang mga pagkain.
May temang, “Healthy Diet Gawing Affordable For All”, pinasalamatan nina Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang lahat ng mga komite ng barangay at munisipyo ng nutrisyon sa lalawigan para sa pagsasagawa ng mga programang may kinalaman sa nutrisyon at sinisiguro na ang mga ito ay naipatutupad sa buong taon.
Upang maitaas ang kamulatan ng mga Bulakenyo, naglinya ng mga gawain ang Provincial Social Welfare and Development Office upang labanan ang malnutrisyon at itampok ang kahalagahan ng malusog na gawi nang pagkain kabilang ang Nutrition-on-Air via Kalingang Bulakenyo na ginanap noong Hulyo 6 at 14 kung saan tinalakay ang First 1,000 Days at Mandatory Food Fortification sa Radyo Kapitolyo at Great PGB Workout sa Capitol Compound tuwing Biyernes ng Hulyo bilang pagsuporta sa Kumainments No. 10 “Maging aktibo, iwasan ang pag-inom ng alak at huwag manigarilyo.”
Gayundin, tampok sa panapos na gawain ang Search for Mutya ng Buntis 2023 via Zoom teleconferencing sa Hulyo 30, 2023 at Recognition and Awarding of Outstanding Municipal and Barangay Nutrition Committees, Nutrition Action Officers, Lingkod Lingap sa Nayon, Long Serving Lingkod Lingap sa Nayon and PNC Technical Working Group, habang ang lugar na pagdarausan ay iaanunsyo pa.
Sinabi ni Fernando na ang bawat isa ay maaaring iwasan ang mga sakit at maging malusog basta’t kumakain ng masustansiyang pagkain at mayroong healthy lifestyle.
“Lahat po tayo ay kayang labanan ang iba’t ibang sakit at mamuhay ng malusog kung susundin po natin ang mga tamang gabay tulad ng pagkain ng masusustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas, pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, pagkakaron ng sapat na tulog at regular na pag-ehersisyo,” anang gobernador.
Samantala, kaugnay ng pag-obserba sa National Disaster Resilience Month at 2023 National Disability Prevention and Rehabilitation Week mula Hulyo 17 hanggang 21, 408 Bulakenyo mula sa vulnerable sector kabilang ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens ang lumahok sa “Orientation of Persons with Disability and Senior Citizens in Emergencies cum Basta Bulakenyo, Kahit may “K” OK!
Dagdag pa dito, mula Hulyo 17 hanggang 23, humigit kumulang 29 katao ang napiling benepisyaryo para sa Harelip and Cleft Palate Operation na isasagawa sa Baliwag District Hospital.