NAKAHANDANG mamuhunan ang mga Korean Investors ng hanggang 500 million US Dollars o P27 billion investment sa lalawigan ng Bulacan para sa planong pagtatayo ng mga commercial establishments o ‘smart city’ matapos bumisita ang mga ito at personal na nakipagpulong kay Governor Daniel Fernando sa Kapitolyo nitong Huwebes.
Ayon kay Fernando, ang mga bumisitang negosyanteng Koreano ay mula sa Korea-Philippines Business Association (KPBA) na mayroong 197 companaies sa pangunguna ni Haesook Suh, Chairwoman; Geon Park, Chairman at Leo Hwang, Foundation General; Sunghee Han, Vice-Chairwoman; Kyuwan Lee, Vice-Chairman; Soobum Kim, Secretary General; Hanyoung Chong, CEO Dike Solution Group; Andy Jeon, CEO Bets and Gaming at Leo Hwang Jr.
Kasama ni Fernando sa isinagawang pagpupulong sina vice governor-elect Alex Castro, provincial administrator Anne Constantino at ang nasa 12 Korean delegates kung saan tinalakay ang mga proyektong planong itayo sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa gobernador, malaking tulong para sa lalawigan ang mga itatayong negosyo ng mga Korean investors para sa pagpapataas ng ekonomiya ng lalawigan at hatid nitong mga trabaho para sa libu-libong Bulakenyo.
“The purpose of our visit is preparing for a smart city, we are hoping that this will be a great strength in the Philippines and to have a big development here in Bulacan,” ayon kay Geon Park, KPBA Chairman at Vice Chairman ng Sejong Industrial Company na nakabase sa Soeul, Korea.
Tinukoy ni Fernando ang mga lugar na target lagyan ng mga komersyong establisyimento gaya ng 10-hectare lot sa Bulacan State University (BulSU), 7 ektarya pag-aari ng provincial government sa bayan ng Guiguinto at 52 hectares sa bayan ng Bustos na isang private property.
“We find out that Gov. Fernando is a very passionable person who loves to serve the people, he is one of the government officials we can believe and trust to be tied-up together. We are here to commit together, built along with the government leadership,” wika ni Park.
Kabilang sa mga proyektong nais i-invest ng mga nasabing Korean investor group sa lalawigan ng Bulacan ay ang pagpapatayo ng power plant, golf course, resorts and hotel, industrial parks, noodles factory, electronics factory, bets and gaming amusement gaya ng casino at marami pang iba komersyo.
Ayon kay General Hwang ng UPK Veterans Foundation, magkakaroon din ng Metro Emergency Center sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) project para mas magiging madali sa mga Bulakenyo kung saan tutungo at ano ang gagawin sakaling magkaroon ng mga sakuna.
“Bulacan is booming because of the new international airport being built and the train, it is now a potential of economic growth that is why we’re here to stay and to globally work with these young new leaders like Fernando and Castro and to benefit as well the the Bulakenyos by creating employment,” sabi ni Hwang.
Ayon naman kay Vice governor-elect Castro, open ang lalawigan ng Bulacan sa sinumang nais mamuhunan o magtayo ng malalaking negosyo dahil ang unang makikinabang aniya ay ang mga Bulakenyo na mabibigyan ng trabaho.
Idinagdag ni Hwang na ang mga commercial establishment na itatayo ay parang “smart city” na may modernong electronic technology operating system.
“There is no commitment yet we can say right now until we sign the contract, but we are here really committed and built together” ani Hwang.
Kasama rin sa pagpupulong si President Cecilia Gascon ng Bulacan State University (BulSU) na sinamahan si Fernando at ang delegasyon ng Korean investors group sa site ng unibersidad na isa sa mga investment construction site.
Sumunod na site na inspeksyon ay ang katabi ng North-South Commuter Railway (NSCR) project sa Tabang, Guiguinto kung saan matatagpuan ang Hiyas Agro Commodity Center (HACC), isang lupang pag-aari ng provincial government at ang huling site ay ang 52-hectare private property sa Bayan ng Pulilan na posibleng itatayo ang mga golf course, resort at hotel.