Klase mula May 2-13 sinuspinde ng DepEd kaugnay ng 2022 elections

INANUNSIYO ng Department of Education (DepEd) na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula sa Mayo 2 hanggang 13, 2022 dahil sa mga aktibidad kaugnay ng May 9 national elections.
 
Ito ay nakapaloob sa DepEd Order No. 29 na inisyu noong  August 5, 2021.
 
“Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd,” ayon sa DepEd.
 
 

“Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities.”

Ito ay base sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na inilaan ang nasabing petsa para sa  National Election-related Activities ng mga guro at DepEd personnel. 
 
Nabatid na lahat ng mga guro ay inaasahan pa rin na magre-report sa kani-kanilang mga eskuwelahan sa mga araw na walang kaugnayan sa election-related duties or activities.