NAHAHARAP sa mga kasong “Conduct Prejudicial To the Best Interest of Service” at “Grave Misconduct” ang isang kawani ng Lungsod ng Malolos, Bulacan matapos ireklamo ng isang negosyante dahil sa umanoy maling inasal nito bilang isang government employee.
Ang mga kasong administratibo ay isinampa ni Joseph Dominic Capule, negosyante, residente ng Barangay 289, Binondo, Manila laban kay Arthur Santos, residente ng Sumapang Matanda, City of Malolos, Bulacan, at empleyado sa nasabing Pamahalaang Lungsod ng Malolos mula sa tanggapan ng Assessor’s Office.

Isinampa ni Capule ang kasong administratibo sa Civil Service Commission, Regional Office 3 sa City of San Fernando, Pampanga noong Marso 21, 2025.
Nag-ugat ang reklamo ni Capule sa isang pangyayari sa loob ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos kung saan aniya siya ay kinompronta umano ang isang Arthur Santos habang siya ay nag-aasikaso ng mga mahahalagang papeles sa Assessors Office noong December 16, 2024.
Sa 38-pahinang reklamo ni Capule, sa nasabing petsa habang siya ay nagbabayad ng kaniyang property tax sa Assessors Office ay lumabas mula sa tanggapang ito si Santos at pinagsalitaan siya ng personal nitong interes sa usaping wala siya umanong kinalalaman.
Ayon pa sa nagrereklamo, maraming beses at pagkakataon na tila siya ay nakaramdam ng ‘harrassment’ sa inasal ng taong kumompronta sa kaniya hanggang sa paglabas ng City Hall aniya ay sinundan pa siya nito habang pinagsasabihan siya umano ng mga salitang may pananakot.
Dahil dito ay maka-ilang ulit siyang umiwas kay Santos at sinabing may tamang lugar at panahon para sila ay mag-usap sa mga isyung ibinabato sa kaniya subalit patuloy pa rin umano si Santos sa kaniyang mga aksyon na ayon kay Capule ay tila lumagpas na sa kaniyang jurisdiction bilang empleyado ng city hall.
Base sa reklamo, si Santos ay lumabag umano sa Republic Act 6713 ng Section 4(a) at Section 4(b) kung saan nakasaad dito na ang mga pampublikong opisyal at empleyado ay dapat palaging itaguyod ang pampublikong interes kaysa sa personal na interes.
Ang lahat ng mapagkukunan at kapangyarihan ng pamahalaan ng kani-kanilang mga tanggapan ay dapat gamitin nang mahusay, mabisa, tapat at matipid, partikular na upang maiwasan ang pag-aaksaya sa mga pondo at kita ng publiko.
Nakasaad din na: Dapat gampanan ng mga pampublikong opisyal at empleyado ang kanilang mga tungkulin nang may pinakamataas na antas ng kahusayan, propesyonalismo, katalinuhan at kasanayan. Dapat silang pumasok sa serbisyo publiko nang may lubos na debosyon at dedikasyon sa tungkulin. Dapat nilang pagsikapan na pigilan ang mga maling pananaw sa kanilang mga tungkulin bilang mga dispensers o peddlers of undue patronage.
Kaugnay nito, ang mga aksyon ni Arthur Santos ay hindi umano nagpapakita ng propesyonalismo. Ang mga ito ay hindi rin nagpapakita na siya ay may sukdulang debosyon at dedikasyon sa tungkulin dahil mas inuuna niya ang mga personal na bagay, hindi man ang kanyang sarili kundi ng isang inaakalang kamag-anak, kaysa sa tungkulin.
Nakasaad pa rito na: Justness and sincerity. – Public officials and employees shall remain true to the people at all times. They must act with justness and sincerity and shall not discriminate against anyone, especially the poor and the underprivileged. They shall at all times respect the rights of others, and shall refrain from doing acts contrary to law, good morals, good customs, public policy, public order, public safety and public interest. They shall not dispense or extend undue favors on account of their office to their relatives whether by consanguinity or affinity except with respect to appointments of such relatives to positions considered strictly confidential or as members of their personal staff whose terms are coterminous with theirs. (emphasis supplied)
Ang mga aksyon ni Arthur Santos ay mga paglabag sa probisyong ito, bukod sa pagbibigay-priyoridad sa mga personal na bagay, kahit sa kanya, sa oras ng trabaho sa lugar ng trabaho na salungat sa pampublikong patakaran at interes ng publiko, ang kanyang mga aksyon na pagbabanta at pag-iinit ay labag sa mabuting moral.
Kalakip ng reklamo ay ang mga screenshots ng komprontasyon sa loob at labas ng city hall mula sa kuha ng CCTV footage.
Bigo namang makuha ang panig ni Santos nang subukang sadyain sa Assessors Office noong May 5, 2025 subalit naka-leave umano ito ayon kay Leonora Resolis, head department.