Kauna-unahang Intercontinental Bible Seminar Idinaos sa Pilipinas

Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap.

Ito ang nilalaman ng Aklat ng Pahayag 1:3 sa Bibliya na naisulat 2,000 taon na ang nakararaan. Sa pagkakataong ito, sa temang “ ‘Testimony on the Fulfilled Reality of Revelation,’ malinaw na inihayag ni Chairman Lee Man-Hee sa mga taong nagtipon sa Philippine International Convention Center Plenary Hall nitong Abril 20, 2024, hindi lamang ang mga propesiya sa Aklat  ng Pahayag, kundi maging ang kaganapan na nangyari bilang katuparan ng mga ito.

“Sa mga hindi interesado sa relihiyon, walang kwenta ito pero para sa mga interesado ang nakaraan ay tapos na, ipinropesiya din ito ng Diyos, tinupad nya lahat at natapos na ito. Ngunit mayroon pang mga propesiya at katuparan na hindi ko pa  nakikita. Napakaraming tao sa malawak na mundong ito, abala sila, maraming mga pag-aari, pero ano nga ba ang gusto ng Diyos na gawin nating mga tao? Ano ang katapusan ng mga tao? Hindi yan maliit na bagay. (For those who are not interested in religion this would not mean much but those who are interested, the past is past, God prophesied that too, fulfilled everything and came to an end. There are prophecies and fulfillment that I have yet to see. There are many people in this wide wild world and people do many things, have many things, but what is asked of us human beings? What is the end of man? That is not a small thing),” pahayag ni Chairman Lee sa wikang Korean.

Hinimok niya ang mga manonood na isapuso ang salita sa Aklat  ng Pahayag. “Isapuso natin ang mga salitang ito at magkaisa. Huwag natin hayaang masayang ang mga pagsusumikap na ito. Naniniwala ako na ang kaharian ng langit ay matutupad. Kung tayo ay magkakaisa, naniniwala ako na maganda ang mangyayari. Ang trabaho ko ay ihayag sa inyo kung ano ang aking nakita at narinig. Nakita ko, narinig, at nahawakan. Ito ang aking trabaho: ang ihayag sa inyo. (Let us put these words in our hearts and become one. Let us not let these efforts go in vain. I believe this kingdom of heaven must fulfill. If we put in our efforts I believe things will go well. My duty is to tell you what I have seen and heard. I saw, I heard, I touched. This is my duty: to tell you).”

Nagtipon sa PICC ang mahigit Gathered at the PICC Plenary Hall ang mahigit 4,000 na kalahok na mula sa iba’t ibang sektor- politika, akademya, mambabatas, mga pastor, pinuno ng mga relihiyon at mga kasapi nito na pawang nakarinig ng testimonya ng Shincheonji Chairman.

Napanood ang intercontinental seminar sa pamamagitan ng live stream sa iba’tibang panig ng mundo na may mga nagtipon din sa Russia, South Korea, China, Japan, Taiwan, Indonesia, at Kazakhstan, bukod pa sa livestream sa Shincheonji Youtube channel, Zoom, at Facebook. Sa kabuuan, umabot sa 100,000 ang mga nanood online na isinalin sa 11 wika habang ito ay nagaganap.

Simula pa lamang ng tinaguriang “Shincheonji’s Intercontinental Seminar on the Holy Scriptures” ang seminar na ginanap sa Pilipinas na gaganapin rin sa Europe, Africa, America, at Oceania.

Bilang reaksyon sa pahayag ni Chairman Lee, wika ni Arch. Antonio Ledesma, Archbishop Emeritus ng Archdiocese ng Cagayan de Oro : “Bilang tugon na makapagbigay ng comparative explanation, napakaganda para sa mga taong may iba’t ibang paniniwala na maunawaan ang kahulugan ng kanilang paniniwala at ang pahayag ni Chairman Lee patungkol sa Aklat  ng Pahayag ay isang magandang paraan ng pagpapaliwanag sa aklat na ito ng Bibliya. Sa katunayan, ang pagbibigay-diin niya sa pananalig at paniniwala ay mahalaga para sa ating lahat, maging Kristiyano man o Muslim (In an effort to bring comparative explanations, it is great for people of different faiths to understand the meaning of their faith and what Chairman Lee  has mentioned regarding the Book of Revelation is also one good way of explaining a particular book of the Bible. In fact, it’s emphasis on faith and belief is worthwhile [for] all of us whether Christians or Muslims).”

Ayon naman sa isang Christian Pastor,  si Pastora Eva Nasibog : “Napaka-blessed ko, napahanga ako dahil ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na makasaksi nang ganitong klase ng pagtitipon kung saan iba’t ibang religious leaders ang nagtipon-tipon nang hindi nagdedebate. Nang hindi nagdadagdag o nagbabawas, naipaliwanag niya ito nang wala man lamang script. Kahanga-hanga dahil ang tagal kong naghintay, ngayon narinig ko at nakita na ang Aklat ng Pahayag ay may reyalidad na nakikita natin. Hindi ko makalilimutan ang araw na ito. (I feel so blessed, very amazed because today is the first time I witnessed this kind of event where different religious leaders gathered without debating… Without adding or subtracting, he was able to explain it without even having a script. It’s so amazing because I’ve been waiting for so long; now I’ve heard and I saw that the Book of Revelation has a reality and we can see it. I will never forget this day.)”

 

Pahayag naman ni Amielle Ordoñez mula sa GMA Integrated News:  “Napapanahon ang mensahe ni Chairman dahil napakagulo ng mundo ngayon, ang banta ng digmaan ay nandito lang sa local level sa mismong bansa natin sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao. Ang karahasan ay nasa lahat ng dako… Hindi ipinapaliwanag sa ibang simbahan ang patungkol sa ikalawang pagparito. Siguro ito na ang panahon para pag-usapan ng lahat ng mga relihiyon ang patungkol sa Aklat ng Pahayag na mababasa sa Bibliya dahil lagi na lang pinag-uusapan ang Bagong Tipan tuwing Linggo pero hindi ang tungkol sa Aklat ng Pahayag. Napapanahon ito at mahalaga. (The Chairman’s message is very timely because we have a very chaotic world now; the threat of war is there at the local level in our very own Philippines especially in Mindanao; violence is everywhere… Awareness of the second coming is not being promoted in the different churches. Maybe it’s about time that the different religions talk about this Revelation that is found in the Bible because we just keep on talking about the New Testament every Sunday but not of the Revelation. So, it is very timely, it is relevant.)”

Ayon naman kay Nicole Angeli L. Iguide, isang mag-aaral: “Nakaka-inspire ang mensahe ni Chairman. Binanggit nya na hindi dapat magdagdag o magbawas ng salita sa Aklat ng Pahayag. Isa pa sinabi rin niya na kailangang maunawaan ang Aklat ng Pahayag dahil kapag naunawaan ito makakikilos tayo ng naaayon sa kagustuhan ng langit. Naniniwala rin ako na ang mga binitiwang salita ni Chairman ay para sa kapayapaan at paggalang sa ibang kultura. (Chairman’s message was very inspiring, he mentioned that we cannot add or subtract words from the Book of Revelation. Another thing that he also mentioned was the importance of understanding the Book of Revelation because understanding [it] allows us to act according to the will of heaven. I believe that the Chairman’s words of message is also fostering peace and respecting other culture.)”

Isinasagawa ang mga seminar patungkol sa Banal na Kasulatan bilang tugon sa mga kahilingan ng mga religious leaders na nagnanais personal na marinig ang lecture buhat sa Shincheonji Church of Jesus .

Isinagawa rin ang paglagda ng mga lider ng iba’t ibang kinatawan ng mga relihiyon at denominasyon ng isang joint agreement na naglalaman ng pagkakaisa sa Banal na Kasulatan.