BATID po pa ninyo na ang salot na COVID-19, nasa tabi-tabi lamang. Ito ang ating napag-alaman matapos na mapadalhan ang Katropa ng ulat. Batay sa sinabi ng Department of Health (DoH,) kamakailan, ay nagsimula na namang tumaas ang kaso ng naturang mikrobyo, higit sa Metro Manila. Tumaas ng 70 % ang mga nahawa, nitong nakaraang linggo sa buong bansa.
Doble ang naging kaso sa National Capital Region. Ayon sa opisyal ng DoH, ang pagtaas ay katulad noong nagsimula ang bansa na magtala ng makabuluhang pagtaas sa mga kaso, noong *-
Setyembre 2021 at Enero 2022, sa pagsisimula ng Delta at Omicron wave. Importante ang pagsusuot ng ‘face mask.’
Tsk! Tsk! Tsk! Hayan, para sa mga tamad ng gumamit ng ‘face mask,’ ay may posibilidad na kumalat at dumami pa ang bibiktimahin ng nagtutulog-tulugang salot.Ilan sa nakunan natin ng opinyon dalawang babae. Isa ay may trabaho at ang isa ay walang hanap-buhay. Ayon sa may trabaho, “okey lang ang magsuot ng bagong ‘face mask’ araw-araw, dahil kailangang talagang bigyan ng proteksiyon n gating mga sarili laban sa COVID-19. Isang karton ng face mask, siguro 50 piraso, sa isang buwan na gamitan, kaya pa ang presyo,” sambit ng may trabaho. Ayon naman sa walang trabaho, “itong ‘face mask’ n gat, nilalabhan ko na lang kasi, wala kaming pambili. Imbes na bumili kami ng ‘face mask’ eh gagastusin na lang n gat sa aming kakainin.”
Matindi rin ang sitwasyong ganito, basta alalahanin natin ang ‘heath protocols,’ muli paalala, na ang nasabing salot ay muli na namang nananalasa. Narito n gating nakalap na impormasyon Kailangang magsuot ng mask sa: Mga lugar para sa pangangalagang pangkalusugan, mga pang-‘emergency na shelter,’ mga bilangguan, mga ‘shelter’ para sa walang tirahan, Pangmatagalang pangangalaga. Lubos na inirerekomendang magsuot ng mask sa: Pampublikong transportasyon, mga istasyon, terminal, at paliparan, mga indoor na pampublikong lugar, mga K-12 na paaralan at ‘Childcare.’ Mag-ingat!
PAGCOR EVACUATION CENTER, ISANG MALAKING KAGANAPAN!
Turn over ceremony ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) EVACUATION CENTER, ginanap kamakailan. Nagpapasalamat si Mayor Arthur Robes sa kanyang kabiyak na si Congw. Florida P. Robes, dahil sa kasipagan nito na magkaroon ng Evacuation Center mula sa tulong ng PAGCOR.
Ayon sa butihing Mayor, “ngayong araw ay isinagawa natin ang Turn Over Ceremony ng ating Multi-Purpose Evacuation Center na matatagpuan sa Quarry, Brgy. Minuyan Proper.
Ang proyektong ito ay pangarap namin ni Congw. Florida P. Robes, kaya naman kami ay nagagalak dahil sa wakas ay magagamit na ng Pamilyang San Joseño ang pasilidad na ito sa mga oras ng sakuna at pagsalanta ng malalakas na bagyo. Nagpapasalamat din ako sa pamunuan ng PAGCOR sa pangunguna ng kanilang Chairman and CEO, Ms. Andrea Domingo dahil sa kanyang suporta ay naging posible na magkaroon tayo ng Evacuation Center.”
Tsk! Tsk! Tsk! Nakasama din ang mga Konsehal sa pangunguna ni Vice Mayor Efren Bartolomr Jr., mga pinuno ng departamento ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Administrator, Dr. Dennis M. Booth, mga Homeowners Associations, at mga representante mula sa Brgy. Minuyan Proper. Ang evacuation center na ito ay pangangalagaan ni City Disaster and Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Gng. Gina Ayson at City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Gng. Marlyn Cumba.
“Muli, ang Evacuation Center na ito ay para sa inyo po Pamilyang San Joseño! Arya San Joseño!” Patapos ni Mayor Robes.