KANDIDATONG CITY COUNCILOR SA PAMPANGA, PATAY SA PANANAMBANG 

Bulacan PNP nets 8 law offenders

Walong araw mula ngayon bago ang eleksyon ay isang incumbent Barangay Captain na kandidatong konsehal sa San Fernando City sa Pampanga ang pinagbabaril at napatay ng riding in tandem suspek sa Barangay Magliman kahapo (Sabado) ng umaga.


Sa kaniyang press statement, mariing kinondena ni Police Regional Office 3 (PRO3) regional director BGen. Mathew Baccay ang naturang pamamaslang kay Alasas Barangay Captain Alvin Mendoza.


Si Mendoza ay tumatakbong konsehal ng Lungsod ng San Fernando sa ilalim ng lineup ni mayoralty bet Vilma Caluag ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan.


Naganap ang pamamaril bandang alas-7:00 ng umaga habang ang biktima ay lulan ng kaniyang color brown Haima SUV papuntng Barangay Magliman mula sa Barangay Alasas para sa kanilang election party campaign schedule ng araw na yun.


Base sa police report, dalawang suspek sakay ng single motorcycle ang sumulpot at pinaputukan ang biktima bago mabili na tumakas.


Agad na isinugod si Mendoza sa San Fernando Hospital pero binawian din ng buhay bandang 8:50 AM, ayon sa report.


Ayon kay Baccay, nag-order na siya ng malalimang imbestigasyon kaugnay ng pamamaslang at maraming anggulo ang kanilang sinisilip para ma-establish ang posibleng motibo sa krimen.


“We are exerting all means to get into the bottom of this unfortunate incident and we are now in the process of gathering pieces of evidence that will lead us to the identification of the culprits. We assure the public, as well as the victim’s family of our total commitment to ensure immediate resolution of the case through proper investigation,” ayon kay Baccay.


Pahayag ni Baccay, ang pamamaslang kay Mendoza ay itinuturing na top priority case dahil isang local official at kandidato pa ang biktima.