Kampanya ng PRO3 kontra krimen tagumpay sa taong 2024

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga- Ang Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamumuno ni PBGen Redrico Maranan, ay patuloy na nagpapamalas ng kahusayan at dedikasyon sa paglaban sa kriminalidad at pagsiguro ng kapayapaan sa rehiyon sa buong taong 2024.
 
Sa ilalim ng Peace and Order Operational Framework na binuo ng PRO3, matagumpay na naisakatuparan ang mga estratehiyang may pormulang Enhanced Police Presence (EPP), Quick Response Time (QRT), at Counter Action Against Drug Groups, Criminal Gangs, and Private Armed Groups. Dahil dito, bumaba ng 1, 689 insidente o 4.31% ang kabuuang bilang ng mga krimen mula 39,203 noong 2023  sa 37,514 ngayong 2024. 
 
Mga Tagumpay ng PRO3:
 
Kontra Ilegal na Droga: Nagsagawa ang PRO3 ng 5,745 operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 8,798 drug personalities, kabilang ang 645 High-Value Individuals (HVIs), at pagkumpiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱258.23M, kabilang ang shabu, marijuana, at ecstasy.
 
Kontra Loose Firearms: Naaresto ang 859 indibidwal, nakumpiska ang 3,754 armas, at 1,824 armas ang boluntaryong isinuko sa ilalim ng programang “Revitalized Katok.”
 
Pagpapatupad ng Search Warrants: Sa 266 search warrants na ipinatupad, naaresto ang 230 katao at nakumpiska ang 304 armas.
 
Pagdakip ng Wanted Persons: Naitala ang pagkaaresto ng 9,155 na indibidwal, kabilang ang 1,559 Most Wanted Persons.
Kontra Terorismo: 347 miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko, 13 ang naaresto, at 10 ang nasawi sa mga engkwentro.
 
Kontra Criminal Gangs: Na-neutralize ang 64 miyembro habang 18 ang boluntaryong sumuko. Kontra Illegal Gambling: 1,779 operasyon ang matagumpay na naisagawa na nagresulta sa pagkaaresto ng 6,282 indibidwal at pagkakakumpiska ng kabuuang PhP2,787,343.00 halaga ng mga taya.
 
Anti-Illegal Logging: Nagsagawa ng 33 operasyon, na nagresulta sa pagkumpiska ng mga troso na nagkakahalaga ng ₱4.69M.
 
Checkpoints, Border Control at Police Outposts: Sa 163 checkpoints na pinangangasiwaan ng 1,347 na pulis, at 460 police outposts na may 911  na pulis na nakatalaga ay naipagpatuloy ang 24/7 na seguridad sa rehiyon.
 
Samantala, hinimok ni RD Maranan ang publiko na magkaisa at suportahan ang laban kontra kriminalidad. Binibigyang-diin niya na, “Habang pumapasok tayo sa 2025, patuloy nating palalawakin ang ating mga inisyatiba upang masiguro ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na rehiyon. Ang PRO3 ay katuwang ng bawat mamamayan sa pagkamit ng maayos at ligtas na lipunan.”
 
Sa kabila ng mga hamon, nananatiling nakatuon ang PRO3 sa layunin nitong magbigay ng proteksyon at serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan sa rehiyon.