KAMALAYAN NG MGA BATANG MAG-AARAL, PINAGYABONG

Kamalayan ng mga kabataang mag-aaral sa kanilang paligid ay binigyan pansin ng isang paaralan, narito po ang ulat na pinadala sa Katropa, ng isang ayaw pabanggit ang pangalan: Matagumpay na nailunsad ang ‘Community helpers centers visitation’ ng Claremont School of General Trias, Cavite, na may layuning mabigyan ng kamalayan ang mga bata na mayroon tayong mga ‘community helpers’ at iba’t ibang ‘community centers’ na may hindi magkakatulad na kontribusyon sa ating komunidad.
 
 
Katulad ng gawain ng Philippine National Police (PNP) Station, kung saan may isang bata na tinanong kung ano ang kontribusyon sa bayan ng ating mga Alagad ng batas. Ang sagot ng bata ay ‘to maintain peace,’ ang isa naman ang sabi ‘to keep us safe,’ na kahit sa kanilang murang edad ay alam nila ang kahalagahan at gawain ng bawat ‘community helpers’ sa ating kommunidad.
 
 
Dinalaw rin nila ang kanilang napakagandang City Hall at alam nila na iyun ang ‘Office ng City Mayor’ at ng mga ‘Counselors.’ Gayundin ang mga opisina ng iba’t ibang departamento sa loob nito. Higit na na ‘excite at na surprise’ ang mga bata sa kanilang City library, nakita nila ang maraming aklat, at sa mga batang ‘book lovers’ ay talagang hindi mapigilan na hindi kumuha, at buklatin ang mga aklat. Sila ay lalong nasiyahan ng pakitaan ng ‘big book’ ng kanilang Librarian.
 
 
Sa ganitong paraan ay namumulat ang mga batang mag-aaral, kung ano ang mga tungkulin ng bawat kagawaran, at ang naiaambag ng mga ito sa ating lipunan. At sila ay nakakapag-isip na din, kung ano ang kanilang nais na maging karera sa hinaharap. Iyan po ay ilan lamang sa programa ng Claremont School Guidance Department. Salamat po Katropa.
 
 
 
Tsk! Tsk! Tsk! Napakahalagang programa na maipaalam, ipamulat at buksan ang kamalayan sa mga kabataan ang lahat ng kahalagahang naidudulot at nagagawa ng bawat ‘Community Centers’ sa ating Lungsod o bayan. Ano ang ibig sabihin ng kamalayan sa isang bata? Ang kamalayan ay nangangahulugan ng pagiging gising, alerto at tumutugon sa kapaligiran. Kaya nga ang Katropa ay nasisiyahan na makatanggap ng ganitong mga makatuturang ulat, na siyang nagiging gabay at nagbubukas ng kamalayan, higit sa ating mga kabataan. Kapuri-puri ang mga ganitong gawain na naisagawa ng Claremont School Guidance Department.
Ating napagalaman na ang Claremont School of General Trias, ay paaralan na matatagpuan sa General Trias, Cavite. Sila ay Nag-aalok ng edukasyon mula kindergarten hanggang senior high school level. Hanggang sa muli.