Minsan na naman nating nadalaw ang Pabahay Covered Court, Brgy Muzon, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) kung saan idinaos ang Mass Oath- taking ng iba’t ibang grupo sa nasabing Lungsod, na dinaluhan ni Bulacan Governor Daniel Fernando, na siyang namuno sa panunumpa ng mga Opisyales sa mga Samahan, kamakailan.
Dito ay nagpahayag si Fernando na kailangan huwag bibitiw ng pananalig sa Panginoon, laban sa pandemyang nananalasa sa lalawigan. Binigyan diin niya na kailangan ang pagbabago sa sistema ng pulitika, at siya, kasama ang kanyang running mate na si Alex Castro ay may mga bagong plataporma sa Gobyerno para sa kaunlaran. Ika pa niya, na kanya pang ipagpapagtuloy ang kanyang tungkulin para sa bayan, kailangang sumabay sa takbo ng panahon, upang hindi mahuli. May mga bagong sisibol upang makapagbigay ng mga bagong sistema sa paglilingkod para sa susunod na henerasyon. “Kapit-kapit, sama-sama laban sa kahirapan,” sigaw sa huling pananalita ni Fernando.
Ayon kay “Ka Jet Gonzaga,” isang dating Kabataang Barangay Chairman sa Maynila at ngayon ay isa sa mga ‘Consultant’ para mag-organize ng mga gawain ni Gov. Fernando, sa nasabing Lungsod, “ang ceremony ng Oath-taking ay pakikiiisa ng SanDugo, isang masugid na samahan at sumusuporta kay Gov. Daniel Fernando. Para sa taumbayan sa Bulacan, makiisa po kayo sa SanDugo. Ito pong si Governor Daniel Fernando ay may ‘palabra de honor’ na hindi nang-iiwan at may malasakit sa mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan.” Napag-alaman pa rin ng Katropa mula ka Ka Jet, na ang Samahan ng SanDugo sa LSJDM, ay na-istablis noong taong 2000 sa Bulacan, at umaabot sa 68,000 kasapi sa nabanggit na Lungsod na may 59 baranggays.
Tsk! Tsk! Tsk! Nakita natin na mahal na mahal talaga ng tao si Gov. Fernando. Walang puknat na tilian ng kanilang makadaumpalad ito.Bata man o matanda ay nakinig at waring isinasapuso ang kanyang talumpati o sinasabi. Magaling at matulunging Gobernador!
Sa pagkakataong ito ay atin rin nakilala ang kasalukuyang Pangulo ng Senior Citizens Bayanihan 2021, Pabahay 2000, Barangay Muzon, LSJDM, na may kasaping humigit kumulang sa 400 na Senior Citizens. Ang ating tinutukoy ay ang matikas na si Cesar Gelido, 66 yo, alyas Capcom, na nagsabing may anim na grupo ang Senior Citizens sa lugar na ito, na nagkakanya-kanya. Kailangan ika ni Gelido ay pag-isahin na lamang at ng maging maayos, at hindi malito ang kanilang barangay. Siya ay ating tinanong kung sakaling mapag-isa ang anim na grupo ng mga katandaan, at kung siya ang mapiling Pangulo, sa hinaharap, ay handa ba niyang pamunuan ang malaking Samahan ng Senior Citizens sa naturang barangay, ang sagot niya ay positibo.
Pinuri ni Gelido ang mahusay na paglilingkod ni Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida Robes, sa LSJDM. Gayundin ang bukas palad sa mga maralita at nangangailangan ng tulong na si Governor Daniel Fernando!
Tsk! Tsk! Tsk! Sa Pagkakataong iyun ay ating naobserbahan ang pagiging maaalalahanin at mahusay na pakikitungo sa kanyang mga kasamang Senior Citizens. Pagiging magalang sa inyong lingkod ay kanyang ibinigay. Salamat Pangulong Cesar Gelido, Mabuhay ka!