Dahil sa eleksyon, edad ng mga nagsisitakbong pulitiko ay pinababatayan na rin, partikular na dito sa lalawigan ng Bulacan. Dahil nga sa mga bata pa sina Gov. Daniel Fernando ng Bulacan at ang kanyang political mate na tumatakbong bise gobernador na Alex Castro, laban sa mga may edad na katunggali sa Governatorial election sa darating na Halalan 2022.
Tsk! Tsk! Tsk! Pero limiin natin at ihambing kung ano ang magagawa ng kabataan at katandaan. Ito ay dalawang magkahiwalay na grupo ng mga tao sa lipunan na magkaiba sa kanilang pag-uugali, sa kanilang mga gusto, hindi gusto at kanilang kalikasan. Batay sa mga nakalap nating mga ideya, mayroong maraming iba’t ibang mga paraan kung saan naiiba ang mga ito, ngunit magkasama silang umakma sa isa’t isa.
Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay ang mga kabataan ay karaniwang naninirahan sa hinaharap, habang ang mga matatanda ay maaaring nabubuhay sa nakaraan.
Kaya, ang mga kabataan ay karaniwang nabubuhay sa hinaharap dahil marami silang inaasahan o may mga pangarap at adhikain na maaaring naisin nilang makamit.
Ang mga matatandang tao ay nakamit na ang karamihan sa kanilang mga layunin o natupad ang karamihan sa kanilang mga mithiin kaya't sila ay madalas na kontento sa kasalukuyan at nakahahanap ng ginhawa sa mga bagay na nostalhik.
Ayon sa pananaliksik ang matatandang tao ay maaaring “may determinadong pagsunod sa kaniyang sariling mga ideya at opinyon.”
Kaya, sila ay hindi gaanong nababaluktot at hindi gaanong handang umangkop; gayunpaman, maaari pa rin silang maging bukas at iginagalang ang mga ideya ng ibang tao ngunit hindi nangangahulugang babaguhin nila ang kanilang paraan ng pamumuhay.
Maraming nahingan ng opinyon ang Katropa, na ayon sa iba mas iba ang isip ng kabataan dahil sariwang sariwa pa ang mga isipan at nakakaisip pa ng mas makabagong paraan tungo sa isang makulay na tagumpay. Ayon naman sa magtataho na nagtitinda ng mapaklang taho, “kung sa katandaang pulitiko naman na pinaghabaan na ng tahid at pangil, sa tungkulin ng mga nakalipas na panahon, kung sila ay muling mauupo, tiyak ang kanilang pamamaraan sa katungkulan ay walang pagbabago.”
***
Mula naman sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ay patuloy ang pakikipagpulong ni Mayor Arthur Robes sa mga kinatawan ng DPWH 2nd Bulacan Engineering Office Planning, upang tiyakin na mapabilis ang mga proyektong imprastraktura para sa kapakanan ng bawat San Joseño. Gayundin, binabati natin si Mayor Arthur Robes at ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan sa pagpasa sa 2021 Good Financial Housekeeping.
Nabatid natin na patuloy ang pagsasaayos sa Citrus Cemetery na matatagpuan sa Brgy Citrus.
Layunin nito na magkaroon ng disenteng libingan ang mga sumakabilang buhay na. Ayon pa kay Robes na “samahan ninyo ako sa aking layunin na lalo pang mas bigyan ng magandang serbisyo ang ating lungsod!
Tsk!Tsk! Tsk! Magaling na Punong Lungsod, isama pa natin si Congw Rida Robes na lagiang katuwang sa gawaing panglungsod at nagpapadama ng pagmamahal sa mamamaan ng LSJDM.