Journalism Workshop para sa mga Mag-aaral, Ginanap upang Isulong ang Mabuti at Responsableng Pamamahayag

TAGAYTAY CITY, CAVITE — Noong ika-11 ng Nobyembre, 2022, ginanap ang journalism workshop na may temang, “We Are One in Peace and Unity through Good and Responsible Journalism” na dinaluhan ng 107 na mga campus journalist na binubuo ng mga Grade 4 hanggang 12 na mag-aaral mula sa 11 na paaralan sa Cavite.

Pinangunahan ito ng Federation of Christian Schools Cavite Philippines (FCSCP) sa pakikipagtulungan sa Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang non-government organization na nagtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagtigil ng digmaan.

 

Nilalayon ng workshop na pagtibayin ang pundasyon para sa mga magiging mamamahayag sa hinaharap at hubugin ang mga mag-aaral bilang mga tagapamayapa at responsableng tagapagbalita sa kanilang mga paaralan.

 

Habang nasa Cambodia, nagpahayag ng mensahe upang magbigay-inspirasyon ang multi-awarded TV news anchor na si Mariz Umali sa pamamagitan ng isang video,  “At a time and in a world where information is increasingly available and especially with the proliferation of disinformation and misinformation, journalism has become more important than ever to be able to sort through the noise, to find reliable sources of information that values truth, transparency and accountability.

 

Mula naman sa Korea, binigyang-diin ni Alice Kim, Chief Manager ng HWPL Asia and Europe Continental Public Relations Department, ang papel ng mga kabataang mamamahayag bilang mga tagapamayapa, “Depending on what we put on the tip of our pen, that is, if we practice peace in journalism, we can move the hearts of citizens and bring about change in society.”

 

Ang unang tagapagsalita na si Dr. Carl E. Balita ay nakatanggap ng iba’t ibang parangal sa larangan ng edukasyon, negosyo at media. Isa rin siyang nars, host sa radyo at kolumnista ng BusinessMirror. Sa kanyang pahayag ay naantig ang mga mag-aaral nang sinabi niyang nakikipag-usap siya sa hinaharap dahil hawak ng mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng lipunan.

 

“If you’re made of right values, having faith, hope and love, and if you’re doing things for peace, you’re gonna fit. If not, you’re gonna sit by the side and watch the evil flourish…The future belongs to you. If you don’t help, if you don’t inspire for change in the future, we don’t lose anything, we will be ashes by then but you will be alive,” aniya.

 

Sa dulo ng kanyang pahayag, binuksan niya ang kompetisyon para sa mga mag-aaral na magsulat ukol sa paksang “Journalism and the Future of Peace”. Ang mananalo ay makakatanggap ng P5,000 at mailalathala sa kanyang kolum sa BusinessMirror.

 

Ang ikalawang tagapagsalita na si Ryan Lao ayang Executive Producer at Program Host ng “El Pueblo Publico”, isang programang pangbalita, komentaryo at serbisyo publiko na mapapakinggan sa DWIZ 882. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang isang broadcaster at dating TV segment producer, at binigyang-diin ang kahalagahan ng katotohanan, kawastuhan at kawalang-kinikilingan at sa pagbabalita.

 

“Ang broadcasting, dapat nakaugat sa katotohanan… Kahit sino ang nasa balita, mayaman o mahirap, sikat o hindi, dapat objective lang ang balita,” aniya.

 

Ibinahagi ng ikatlo at huling tagapagsalita, ang Communications Head ng HWPL na si Rica Feliciano, ang kanyang karanasan bilang dating aktibista na naging peace advocate bunga ng kanyang pagboboluntaryo bilang isang manunulat. Tinalakay niya ang peace journalism, isang umuusbong na konsepto sa mundo ng media.

 

“Journalists are at the forefront of conflicts. Where there is conflict, there is news,” aniya. Sa pagsusulat o pagbabalita ukol sa mga digmaan, sinabi rin niya na hindi ito tungkol sa paghahanap kung sino ang masama, kung sino ang dapat manalo o matalo, bagkus, dapat ipakita ang panig at katauhan ng dalawang panig na magkalaban.

 

Gamit ang mga elemento ng peace journalism, tinuruan niya rin ang mga mag-aaral kung paano suriin ang isang balita kung ito ay balanse at makatotohanan o base lamang sa isang alegasyon.

 

Pinaplano ng FCSCP na magsagawa ng isang patimpalak para sa mga lumahok sa workshop sa susunod na buwan.