ITATATAG CYBERSECURITY SYSTEM VS. CYBERATTACKS!

Cybersecurity system itatatag sa Pilipinas, ito ang wika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang mapaige ang pagusog ng kanyang Aministrasyon, na gawing digital ang burukrasya na mahalaga sa pagtiyak ng mahusay at mabilis na paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa publiko. Batay sa ulat ito, ang pahayag ni Marcos ng dumalaw ito sa Switzerland, kamakailan.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Isang pamamaraan at pagsisikap din na protektahan ito mula sa tinatawag na cyberattacks. Ika nga ng Pangulong Marcos, ito ay isang napakalaking isyu, partikular na sa seguridad. Ito ay susubukang idisenyo, sistema ng cybersecurity para sa mga sensitibong impormasyon. Napansin din ni Marcos na sa Pilipinas ang koneksyon sa internet ay mabagal.

 

Kailangan ang pamahalaan ay gumawa ng mas mahusay na mga pamamaraan ng pagkonekta sa mamamayang Pilipino, pasiglahin at isulong ang digital na ekonomiya. Sana naman ay magawa at maitatag nga. Manalangin po tayo.

 

***

P50K NG LALAKI, DINALI NG MGA KAWATAN, PATI MOTORSIKLO TINANGAY!

 

Isang pangyayari ang idinulog sa atin ng ating mambabasa, na sa kanilang bayan sa Bulacan (hindi na natin babangitin kung saan ito,) isang lalaki ang ninakawan ng kanyang minamanehong motorsiko at halagang P50K, ng masasamang loob, kamakailan lamang.  Nais iparating ng nagsumbong na mag-ingat tayo sa mga naglipanang mga buhong na nilalang. Dahil sa hirap ng buhay at maraming  nawalan ng pagkakakitaan sa kasalukuyan, ang iba ay kumakapit na sa patalim, at naisasanla na ang kanilang mga kaluluwa kay Satanas, kaya gumagawa na ang mga ito ng masama laban sa kanilang kapwa- tao.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Mga tampalasan! Sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung paano mo maiiwasan ang mga ganitong sistema ng masasamang loob. Motorsiklong gamit mo sa hanap-buhay at perang angkin, ay pilit na aagawin ng mga kampon ng kadiliman.

 

Paalala lamang na kapag may malaking halaga kayo sa inyong lukbutan, at may bibilhin sa labas ng bahay, mangyaring magsama ng mga kaanaak o taong mapagkakatiwalaan. Kung may transaksiyon kayo at magbabayaran ng malaking halaga ay mangyaring gawin ito sa loob ng Bangko, na kung saan maidedeposito ang perang dala.

 

Ugaliin na i-park ang motorsiklo sa maliwanag na lugar. Kung kayo ay magpa-park ng motorsiklo sa isang Mall, ipaalam ito sa security guard, at kung maaari, lagyan pa ng karagdagang security chain ang inyong motorsiklo.

 

At kung kayo ay nakahimpil sakay ng inyong motorsiklo, at nilapitan kayo ng masamang loob na may hawak na baril at nakatutok sa inyo, at gustong kunin ang inyong motorsiklo, ay maging mahinahon, huwag lumaban, ibigay ang gusto ng masamang loob. At kapag nakalayo ang mga kawatan, saka kayo tumawag sa himpilan ng pulisya o ipaalam sa sinumang taong makatutulong sa inyo. Tandaan mas mahalaga ang inyong buhay, kaysa sa materyal na bagay.

 

Ugaliin na bago lumabas ng bahay ay manalangin sa Poong Maykapal na ilayo at protektahan kayo sa masasamang tao. Iyun na lamang ang maaaring maipapayo ng Katropa, ang kahiwagaan ng panalangain sa Diyos.

 

Hanggang sa muli