
Krimen gawain ng masasamang loob! Laganap na naman ang kriminalidad na ating natutunghayan sa Socail Media, tulad ng walang humpay na paglaganap ng bawal na Droga, nakawan ng mga motorsiklo at iba pang ari-arian, away at pamamaril sa lansangan, walang awang pamamaslang sa buhay ng may buhay, at ito ngayon, ang ipinadalang ulat ni Marlon Falcon Arquiza ng Bulacan, tungkol sa hold-up, ang pagpasok ng masasamang loob sa isang coffee shop, sa isang subdivision, sakop ng Marilao, Bulacan, kamakailan.
Ayon kay Marlon pinasok ng tatlong kalalakihan na pawang nakasuot ng helmet ang naturang bahay kalakal, at nakakulimbat ng mahahalagang bagay. Ang naturang kaso ay iniimbistigahan na ng pulisya.
Tsk! Tsk! Tsk! Iyan ang sinasabi na natin noon pa, at naisulat na rin natin sa ating kolum na ipagbawal ang pagsusuot ng helmet at anumang maskara, kapag papasok sa anumang bahay kalakal.
Upang pigilan ang mga kriminal na may suot na helmet at maskara sa pagpasok sa mga establisyimento upang gumawa ng mga krimen, ang mga may negosyo ay dapat magpatupad ng isang mahigpit na patakaran na nag-aatas sa mga customer na tanggalin ang kanilang mga helmet at maskara sa pagpasok. Tinitiyak na ang mga surveillance camera ay kumukuha ng kanilang mga mukha para sa pagkakakilanlan. Maaaring ipatupad ang patakarang ito sa pamamagitan ng pag-install ng mga buzzer system, sa mga pasukan na nagbibigay-daan lang sa pag-access pagkatapos sumunod sa panuntunan sa pag-alis ng maskara.
Maliban pa rito, dapat na sanayin ang mga kawani na kilalanin ang kahina-hinalang pag-uugali at iulat ito kaagad, habang pinapanatili ang isang maliwanag na kapaligiran sa paligid ng pasukan upang hadlangan ang mga potensyal na kriminal. Ang regular na komunikasyon sa lokal na tagapagpatupad ng batas tungkol sa mga sa krimen ay maaari din makatulong sa mga negosyo na manatiling mapagbantay at handa laban sa mga naturang banta.
Bigyan puwang natin ang pagbati ni Marlon, na siyang nagpadala ng ulat tungkol sa holdapang naganap sa Marilao. Narito po: Magandang araw po sa mga taga- Meycauayan, lalo na po sa ating mahal na Mayor na si Atty. Henry Villarica at sa Sanggunian ng panglunsod. Gusto ko po ipahatid nandito po ang Meycauayan Force Multiplier na binubuo ng 17 grupo pangunguna ng Kabalikat RadioCom, Philippines, Meyc chapter, na handang sumuporta sa magandang layunin at proyekto ng ating kapulisan sa Bayan Meycauayan.
Handa rin sumuporta sa magagandang gawain , at pagtulong sa kapuwa at magagandang programa ni Atty. Henry Villarica, na walang hinihinging kapalit. Ang hangarin ng grupo ay makatulong sa kapuwa-tao. Muli nagpapasalamat po kami kay Atty Villarica na kinikilala nya ang magandang gawain ng Meyc PNP Force Multiplier, ang tunay na boluntaryong tumutulong sa lahat ng gawain na aming tinutugunan na walang hinihintay na kapalit. Mabuhay ang Meyc PNP Force Multiplier at ang ating Mahal na Mayor Atty. Henry Villarica. ” May magandang buhay sa Meycauyan “
Tsk! Tsk! Tsk! Salamat Marlon sa ulat, hanggang sa muli.