TINATAYANG nasa kabuuang 2,886 Bulakenyo mula sa Lungsod ng Malolos, San Jose Del Monte at sa bayan ng Bocaue ang tumanggap ng P3-million Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa inisyatibo ni Senator Maria Josefa “Imee” Marcos ngayong Huwebes, Abril 13, 2023.
Una munang hinarap ng senadora kasama sina Vice Gov. Alex Castro, Malolos City Mayor Christian Natividad, Kristine Evangelista, Asec for Consumer Affairs and Spokeperson of the Department of Agriculture (DA), Maricel Dullas, OIC Chief of Agribusiness & Marketing Assistance Division and Ma. Gloria Carillo, Prov Agriculture ang mga young Bulakenyo farmers sa ginanap na Young Farmers Challenge Competitive Grant Assistance Program sa Camella Provence Club House sa Malolos.
Ang YFC ay competitive grant assistance program ng DA para sa mga kabataang nais magkaroon ng hanapbuhay tungkol new Agri-fishery Enterprises.
Ang programang ito ay bukas sa lahat ng interested youth na may proposed agri-business venture na innovative and viability potential.
Kasinod nito ay sinimulan na ni Sen. Imee kasama sina Castro at Natividad ang pamamahagi ng DSWD-AICS payout sa 875 Malolos residents na tumanggap ng P3,000 each na ginanap sa Walter Mart Mall.
“Ang pagmamahal ng pamilyang Marcos sa mga Malolenyo ay hindi nagmamaliw mula noon hanggang ngayon kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa kanilang walang sawang pagsuporta,” ayon kay Mayor Natividad.
Sinamahan din ni Marcos si Vice Gov. Castro sa distribution of quarterly allowance ng mahigit 3,500 Barangay Health Workers (BHW) mula sa buong lalawigan na isinagawa naman sa provincial capitol gymnasium.
Mainit namang sinalubong ni Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr. si Senator Marcos kung saan ay namahagi rin dito ng kaparehong financial assistance sa 936 Bocaueños.
Pagkaraan sa Bocaue ay dumeretso ang grupo ni Marcos sa City of San Jose Del Monte at doon naman nagsagawa ng DSWD-AICS para sa 975 residente kasama sina Castro, Congresswoman Rida Robes and Mayor Arthur Robes.
Nagbigay rin ang senadora ng P5-million each sa city government of Malolos at SJDM at sa Municipality of Bocaue bilang financial aid sa mga rice farmers.