CLARK FIELD – Nangangamba ang may 15-milyon katao sa Central at Northern Luzon gayundin sa Metro Manila dahil sa napipintong massive garbage crisis na magdudulot ng pagbaho at major health crisis kaugnay ng planong pagpapasara ng sanitary landfill na nakabase sa Capas, Tarlac.
Ito ang ibinunyag ng mga galit na grupo ng mga hospital at toxic waste treaters kung saan ikinatatakot ng mga ito ang posibleng pagka-expose sa health hazards ng mga pasyente mula sa mahigit 1,000 ospital gayundin sa mga maliliit na clinic kabilang na ang mga nagtatrabaho rito sakaling tuluyan nang ipasara ang Kalangitan sanitary landfill.
Anila, kapag wala nang humakot at paglagyan ang mga basura sa mga ospital at mga kabahayan ay tuluyan itong mabubulok, babaho at magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao.
Sa isang dayalogo nitong nakaraang Biyernes, sinabi ni ni Danny Abadilla, president of Clark Sanitation Services, ang planong pagpapasara sa tinaguriang lone enginered toxic waste sanitary landfill site sa darating na Oktubre ay nangangahulugan ng pagka-imbak ng mga un-collected hospital waste na anila’y “stuck and helpless” para sa libu-libong ospital sa Central-Northern Luzon at Metro Manila.
“The looming garbage crisis in Central and Northern Luzon regions will not only affect households and industries but will certainly pose major health problems as soon as the government’s plan to close down the engineered sanitary landfill in Capas is implemented”
“It’s (Kalangitan landfill) immediate closure is a helpless situation. We cannot collect and process medical and hospital wastes if there are no available and fully compliant sanitary landfill where we could dispose treated wastes”, ayon kay Abadilla.
“Most, if not all toxic wastes treatment firms will have no recourse but to stop the collection and processing of highly toxic medical wastes” sabi ng grupo sa isang press forum.
Ayon kay Abadilla karamihan sa hospital wastes na nagmumula sa mga nabanggit na rehiyon, Metro Manila, Cavite, Laguna, at sa gawing Palawan, ay ginagamot sa kanilang recovery facility bago dalhin sa Kalangitan Sanitary Landfill na tanging waste facility accredited ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang pagpapahinto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Clark Development Corporation (CDC) sa koleksyon ng hospital wastes ay inaasahang makakaapekto sa pasyente, mga personnel sa mga hospitals, at sa komunidad.
Nabatid na ang mga medical wastes ay binubuo ng hypodermic needles, body fluids, body parts, pharmaceuticals, radioactive materials, at health care establishments, health-related laboratories, at health research facilities generate cytotoxic drugs.
Ang Kalangitan Sanitary Landfill na pinamamahalaan ng the Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC) sa ilalim ng 25-year contract kasama ang state-run Clark Development Corporation (CDC) ay inaasahan na ipatigil ang operasyon sa Oktubre 5 na walang malinaw na alternatibong lugar ng paglilipatan.
Samantala, ayon kay Christopher Tang, Director for Business Development of SafeWaste Inc. ang kanilang treatment facility ay nagpo-proseso ng 30 tonelada ng medical wastes kada linggo mula sa 120 hospitals sa Region 2 at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sinabi naman ni SafeWaste Inc General Manager Al Kane na ang Metro Clark Waste Management Corporation ay “national treasure” at dapat magpatuloy sa operasyon.
Napag-alaman na lahat ng treatment facilities ay nakikibahagi sa collection, transportation, treatment, at disposal of medical wastes. Ang paggamot sa mga hospital wastes ay kinabibilangan ng paggamit ng pressurized steam sa microbial inactivation of pathogens na matatagpuan sa infectious wastes. Matapos ang treatment, ang mga medical wastes are dadalhin na sa Kalangitan Sanitary Landfill para sa final disposal.
Sinabi ng MCWMC, nasa isang milyon-tonelada ng basura kada-taon ang dinadala sa waste facility for disposal.
Sa kasalukuyan ay nasa 150 local government units (LGUs) at libu-libong industrial clients buhat sa 15 million mamamayan sa Central Luzon, Pangasinan, at sa Cordillera kasama na ang Baguio City ang pinagsisilbihan ng MCWMC.
Nauna rito ay sinabi ni MCWMC EVP Vicky Gaetos na gagawa sila ng “legal action” kontra sa BCDA, na patuloy na bumabalewala sa kanilang pakiusap gayundin sa CDC, na siyang original contracting party, sakaling ipatigil ang pasilidad.