Nagkaroon ng bahagyang tensyon sa loob ng headquarter ng isang kandidatong vice mayor sa bayan ng Bustos, Bulacan matapos pasukin ito ng umanoy nagpanggap na tauhan ng Commission on Election (COMELEC) at umanoy mga mediamen nang walang ano mang permiso o court order Biyernes ng gabi.
Kinilala ang kandidato na hinarass na si re-electionist Vice Mayor Martin Angeles na tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party (NUP).
Nakilala naman ang nagpanggap umanong taga-COMELEC na si retired colonel Pedro Ramos na hepe umano ng Public Order and Safety Office ng City of San Jose Del Monte.

Ayon kay aspirant reelectionist Vice Mayor Angeles, malinaw na political harassment ang ginawang pagpasok ng grupo ni Ramos sa kanilang headquarters habang nagsasagawa ng pagpupulong kasama ang mga watchers.
Nabatid na pumasok umano si Ramos na nagpakilala umanong taga-COMELEC kasama ang 3 hanggang 4 na indibidwal na naka-vest at ID ng ‘media’ t nabulabog umano ang nagaganap na pagpupulong.
Naitaboy naman palabas ang mga nagpanghap na Comelec at media dahil wala naman maipakitang legal na dokumento sa kung ano ang sadya ng nito at sa tunay na pagkakilanlan ng mga ito.
Samantala ayon kay Atty. Mona Ann Campos, Provincial Election Officer sa Bulacan inaantay pa niya ang report mula sa Bustos Election Officer kaugnay ng insidente.
“Il have to verify sa election officer on any report on that, I’ll verify with my election officer there,,” wika ni Campos.