
Nanawagan si Bulacan Governor Daniel Fernando kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan sila sa kanilang panawagan na garang aksyon ng National Irrigation Administration (NIA) na palitan nang lahat ng rubber gates ng Bustos Dam para sa kaligtasan ng mga Bulakenyo.
Namgangamba si Frrnando para sa mga Bulakenyo kapag hindi napalitan ang lahat ng rubber gates ng Bustos Dam lalo at papalapit na ang panahon ng tag-ulan kasunod ng pagkasira ng Rubber Gate 3 noong naarang Huwebes.
Ayon kay Fernando, libu-libong Bulakenyo ang mapeperwisyo sakaling sabay-sabay na bumigay ang anim na rubber gates sa panahon ng tag-ulan kung hindi pa rin ito mapapalitan dahil malaking bahagi ng Bulacan ang lulubog sa baha.
“Ang stand ko po dito ay palitan nang lahat ang rubber gates. Ayaw ko na humantong sa worse scenario na sabay-sabay itong sumabog,” wika ni Fernando.
Sa isinagawang press briefing sa Session Bar and Resto sa Meycauayan City noong May 4, nanawagan ang gobernador sa National Irrigation Administration (NIA) na siyang may kontrol sa Bustos Dam na agad na umaksyon sa kaniyang panawagan.
“Please po totally palitan ng magandang materyales from Gate 1 to 6 ng hindi substandard. Pumili po kayo ng dekalidad na materyales. Nanawagan po ako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. help us again sana ay mapakinggan tayo sa aming concern,” ayon kay Fernando.
“Palagay ko ay kailangan na kumilos ang NIA, buhay po ang nakasalalay dito wag na po tayo mag aksaya ng panahon dahil kapag sumabog ang Bustos Dam malaing pagbaha ang idudulot nito sa malaking bahagi ng lalawiga,” ani Fernando.
Nabatid na noong 2020 ay sumabog ang Gate No. 5 at ito ay nilagyan ng pale sheet na pang harang kung saan taong 2022 pag-upo ni Fernando bilang gobernador ay nirekomenda agad nito na palitan na lahat ang rubber gates subalit ang nasirang rubber gate lamang ang pinalitan taong 2024 ng mababang klase.
Hanggang sa nitong nakaraang Mayo 1 ay sumingaw ang Gate No. 3 at tumapon ang mahigit sa 2 metrong tubig ng Bustos Dam subalit hindi naman nagdulot ng pagbaha sa kalapit lugar.
Ayon naman kay Vice Gov. Alex Castro dapat umano maging pro-active ang mga concern agencies kaugnay ng kalagayan ng Bustos Dam dapat aniya ay maaksyunan agad hindi lamang ang Rubber Gate No. 3 kundi ang lahat nang rubber gates ay mapalitan.
Sinabi ni Castro na matagal na umanong ipinapakiusap ng provincial government na mapalitan na lahat ang rubber gates ‘as soon as posible’ at wag nang hintayin pa ng NIA at ng contractor na may mangyari pang mas malala bago sila kumilos.
Pansamatala ay nilagyan muli ng sheet pile ang nasirang rubber gate kung saan giit ni Fernando ay hindi maaaring puro sheet pile lang ang paunang lunas kundi agarang aksyon na palitan nang lahat.
Suggestion ni Fernando na lagyan nang lahat ng sheet pile mula sa Gate 1 hanggang Gate 6 habang inaantay pa ang kapalit na materyales o habang pinaplano pa ang gagwing paraan o solusyon upang makatiyak na ligtas ang Dam sakaling may masira pang muli.
Pahayag pa ng gobernador, ayaw niya na humantong pa sa demandahan ang usaping ito kay patuloy siyang nananawagn sa NIA at sa contractor na kumilos na agad sa kanilang panawagan.