Fuel ayuda sa mga PUV driver, ibalik; Subsidy sa magsasaka at mangingisda, wag i-suspend – Villanueva

Pinaboran ni Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva ang mga panawagan na huwag suspendihin ang ayuda sa krudo at gasolina at tanggalin ito sa listahan ng ipinagbabawal na “public spending” sa panahon ng halalan.

SEN JOEL “TESDAMAN” VILLANUEVA

“The call of the hour is to step on the gas in distributing this aid, and not to step on the brakes,” ani Villanueva.

Kaugnay nito, nanawagan din si Villanueva na huwag suspendihin ang ayuda sa gasolina para sa mga magsasaka at mangingisda nang dahil lamang sa eleksyon sa Mayo 9.

“This is a critical lifeline to crucial sectors impacted by the high gas prices. So a moratorium is not only unjust, it is oppressive,” dagdag niya.

Dati nang nanawagan ang senador na madaliin na ng gobyerno ang pagbigay ng 2.5 bilyon na fuel subsidy sa transport sector, at dagdagan ang P500 million fuel subsidy program para sa magsasaka at mangingisda. Hiningi rin niya na taasan pa ang fuel subsidy para sa mga mangingisda sa inisyal na P2 billion.

Sinabi ng senador na kalahati ng gastos ng mangingisda ay sa gasolina lamang ayon sa maraming pag-aaral, kaya kalahati rin ng presyo ng isda sa palengke ay dahil sa krudo.

“Any moratorium effectively cancels any proposal from the government  to increase the budget of the program and the number of beneficiaries,” sabi ni Villanueva.

Ayon kay Villanueva, ang fuel vouchers ay parang gamot sa maysakit. “Dahil po ba may eleksyon, ititigil na po ba natin ang pagbibigay ng gamot at lunas?” aniya.

“Remember these are not tax breaks for billionaires in the millions, but trickle-down help to those who feed us, those who are bringing us to work,” pahayag ni Villanueva.

Si Villanueva ang unang senador na nanawagan na magkaroon ng mas maraming exemptions sa paggastos ng pamahalaan sa panahon ng eleksyon dahil marami umanong programa na mababalam, lalo na ang social services at kritikal na imprastruktura.

Ang pagtigil din aniya ng paggawa sa public construction ay magreresulta sa kawalan ng trabaho ng maraming manggagawa.

“Employment and economic relief should not be a casualty of election. Feeding the nation, transporting the people, pandemic recovery should not take a backseat to polls,” sabi ni Villanueva.

Ayon sa mga ulat, suspendido ang pagbibigay ng ayuda sa gasolina ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB para sa mga drayber ng PUVs habang wala pang pahintulot mula sa COMELEC.