FINANCIAL ASSISTANCE TO COOPS AND MSMEs

Si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang mga tumanggap ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Bayanihang Bulakenyo Financing Program for Cooperatives and MSMEs sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Lunes, Marso 3, 2023 kabilang na ang mga miyembro ng Masagana Producers Cooperative mula sa bayan ng San Ildefonso na tumanggap ng P300,000; Catherine Marcelino (pang-apat mula kanan), may-ari ng Cathie’s Bakeshop mula Agnaya, Plaridel at Michelle Dela Cruz (pangatlo mula kanan), may-ari ng Erzangela Bags mula Panasahan, Lungsod ng Malolos na kapwa tumanggap ng P50,000 bawat isa. Kasama rin sa larawan sina Bise Gob. Alexis C. Castro; mga Bokal (mula kaliwa) Cezar L. Mendoza, Raul A. Mariano, Liberato P. Sembrano, Romina D. Fermin, Arthur A. Legaspi at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office-OIC Abgd. Jayric L. Amil.