LUNGSOD NG MALOLOS– Nagpa-abot ng tulong sina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kahapon sa mga biktima ng sunog na tumupok sa 67 kabahayan sa Sitio Bihunan, Biñang 1st, Bocaue, Bulacan noong Sabado.
Ayon sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Bayan ng Bocaue, 59 bahay ang totally damaged habang anim naman ang partially damaged sa naganap na insidente.
Nagbigay ng P5,000 cash assistance si Fernando sa mga biktima ng sunog bilang karagdagan sa P10,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Tatanggap din sila ng emergency kits at food supplies sa mga susunod na araw.
Tatanggap rin ang may-ari ng mga fully damaged na bahay ng dagdag na tulong mula sa Kapitolyo.
Ipinaalala rin niya sa mga Bulakenyo na maging lubos na maingat lalo na at ang buwan ng Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-Iwas sa Sunog.
“Bago po kayo matulog siguraduhin natin na walang nakasinding kalan, walang nakasaksak na electric fan lalo na mga charger ng cellphone,” anang gobernador.
Nagtungo rin sina Pinuno ng Provincial Public Affairs Office Katrina Anne B. Balingit at mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office upang alamin ang kalagayan ng mga biktima; at MSWDO Bocaue sa pamumuno ni Nekiel Joy T. Tomaquin upang i-monitor ang insidente.