Dismayado ang mga taumbayan sa inaasal ng isang Mambabatas sa Senado, dahil sa kanyang patuloy na panlalait, pagmumura sa mga inimbitang Alagad ng batas na naka-uniporme sa hearing sa Mataas na Kapulungan ng Pilipinas. Ito ang nabatid ng Katropa, ng magawi sa isang harapan, kamakailan.
Anila, ang mga salitang paghamak sa katauhan ng isang yunipormadong pulis ay isang kalapastanganan, mapanghusga at isang kahambugan. Ayon naman sa isa pa, balita namin ikakandidato ng ilang grupo ang senador na iyan sa pagka-pangulo ng bansa, baka maging diktador yan kung mauupo!
Tsk! Tsk! Tsk! Ang nasabing insidente ay nasaksihan ng Katropa na lumabas sa ‘Social Media.’ Isa mga tungkulin ng isang Mambabatas sa Mataas na Kapulungan ay kinabibilangan ng pananagutan sa paggawa, pag-amyenda, at pagpasa ng mga batas na namamahala sa bansa.
Subalit hindi nararapat para sa isang Pilipinong senador o sinumang senador sa pangkalahatan na pagsalitaan ng masama at kastiguhin ang isang imbitadong panauhin sa panahon ng pagdinig sa Senado. Ang mga senador ay inaasahang kumilos nang may kagandahang-asal, paggalang, at propesyonalismo sa panahon ng mga pagdinig, anuman ang mga pangyayari o pag-uugali ng mga saksi. Ang pagsasagawa ng mga walang galang na pag-uugali tulad ng pagmumura at panunumbat sa mga panauhin ay sumisira sa integridad ng mga paglilitis, nakakabawas sa dignidad ng Senado, at nagpapakita ng hindi magandang halimbawa para sa publiko.
Maaaring imbestigahan ng Ethics Committee ng Senado ang insidente at magrekomenda ng payo kung napag-alaman nilang hindi naaangkop ang pag-uugali ng senador. Ang paalala ay isang pormal na pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon na nagsisilbing babala sa senador na kumilos nang naaangkop sa mga susunod na paglilitis. Ang komite ay may awtoridad na suriin ang pag-uugali ng mga Senador at magrekomenda ng mga naaangkop na aksyon o parusa kung kinakailangan.
***
SUPER HEALTH CENTER, PINASINAYAAN SA BAYAN NG PANDI!
Narito ang mensahe ni Mayor Enrico Roque sa nasabing okasyon,”dahil isa po sa ating prioridad ay ang kalusugan at serbisyo medikal, eto na po ang mas malapit at mas kumpletong pasilidad para sa ating mga kababayan. Lalo na po sa mga taga-Bunsuran 1st, Bunsuran 2nd, Bunsuran 3rd, Malibong Bata, Malibong Matanda, Sto. Niño, Manatal at Bagbaguin. At siyempre po ang ating pasasalamat sa ating mahal na Senator Bong Go, para po sa kanyang inisyatiba bilang Chair ng Senate Committee on Health.’ Maligayang bati pa rin kay Mayor Enrico Roque ng Bayang Pandi, Lalawigan ng Bulacan, sa pagiging ‘Most Outstanding and Inspiring Mayor of the Year. Exceptional and Remarkable Contributor to the Community.’ Ang Awards night ay gaganapin sa Heritage Hotel, Pasay City, sa Buwan ng Abril, 2024.
Tsk! Tsk! Tsk! Tuloy-tuloy lang ang serbisyo, wika ni Mayor Roque. Mabuhay ka Mayor Roque ng Bayang Pandi! Hanggang sa muli.