SUMALYA tayo ng kaunti sa napaulat na pagpapahinto ng E-Sabong. Ito ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa ‘social impact,’ na marami na ang naapektohan ng sugal na ito.
Ang panlipunang epekto ng pagsusugal ay karaniwang binubuo ng mga negatibong epekto na madalas maiugnay sa hindi maayos na pagsusugal. Ang mga negatibong epektong ito ay ang pagiging bangkarote, lubog sa pagkakautang, paggawa ng krimen, personal na problema sa kalusugan at kapaligiran, mga problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay ng magasawa, pagpapabaya sa tungkulin sa pamilya, sa kalagayan ng mga anak, at iba pang problema na humahantong sa kamatayan.
Tsk! Tsk! Tsk! Itong sugal talaga nakaka-adik. Paano mo maititigil ito? Sundin ang Pangulong Duterte na itigil na ang operasyon ng E-Sabong. Itigil! Subukang maghanap ng mga positibong alternatibo sa pagsusugal o ipagpaliban ito habang ang pagnanasa sa pagsusugal ay napakatindi. Ang propesyonal na tulong ay magagamit upang ihinto ang pagsusugal at lumayo dito para sa kabutihan ng sarili.
Ayon nga sa Magtataho, “’chances’ ang habol nila, iyun bang may pakiramdam silang mananalo o suwerte, kaya nagbabakasakaling Manalo, ng makapag-uwi ng pera sa bahay. Ang nangyari ang pinustahang Manok na Pula, hayun talo. Ngayon hindi man lang makabili ng tindang taho ko, at bugbog sarado pa sa asawa.”
LSJDM BINIGYAN NG PAGKILALA
Ang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ay talagang napaka-produktibo. Ayon kay Mayor Arthur Robes ay natanggap nila ang 2018 and 2019 Certificate of Recognition ng Resettlement Governance Assistance Fund ng DILG na kung saan ay binigyang pagkilala ang LSJDM, sa maayos na implementasyon ng nasabing programa.
Batay sa ulat ito ang nasabi ni Robes, “Nanumpa sa akin ang CREST o City Related Establishment Society on Tourism Officers na kung saan ang samahang ito ay ang ating makakatulong upang ating mapalakas at mapalago pa ang turismo sa ating lungsod.
Tunay ngang napaka-produktibo ng ating pagsisilbi sa bayan, dahil unti-unti ay inaani na natin ang ating mga plano na naging posible dahil tayo ay sama sama.”
Tsk! Tsk! Tsk! ARya San Josenio!