DTI & BCCI inilunsad ang Gabay Negosyo Project

Inilunsad ng Department of Trade and Industry Bulacan Provincial Office (DTI Bulacan) katuwang ang Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) ang  Gabay- Negosyo Project kamakalawa, July 7, 2023 sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. 
 
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing event sina DTI-3 OIC-Regional Director Brigida T. Pili, Atty. Jan Santos, representative of Vice Governor Alexis Castro, Board Member Arthur Legaspi, DICT-3 Regional Director Antonio Edward Padre, OIC- Asst. Regional Director and Concurrent Provincial Director of DTI- Bulacan Edna D. Dizon, DILG Provincial Director Myrvl Fabia, DICT Bulacan Provincial Director Mario Antonio Aya-ay, PIA Center Manager Vinson Concepcion, Dr. Aimee Grace Madlangbayan of BULSU, Ms. Cristina Tuzon, President of Bulacan CCI, Ms. Corina Bautista, Chairman of BCCI, directors and members of BCCI at mga members ng Bulacan MSMED Council. 
 
Ang Gabay- Negosyo project ay naglalayon na lumikha at pagyamanin ang pag-unlad ng  Bulacan micro enterprises. 
 
Nabatid na dalawamput-siyam na micro enterprises ang sumang-ayon sa paglahok sa nasabing series of learning and mentoring sessions upang mas mapabuti ang kanilang kasanayan at pangangasiwa  at mapahusay din ang abilidad at pag-uugali sa pagnenegosyo at bilang isang negosyante.
 
Ang Entrepreneurship and Values Formation Seminar ay isinagawa bandang hapon kasama si Negosyo Center Calumpit Business Counsellor Danilo Aquino III bilang facilitator sa pagbabahagi ng fundamentals of business operation, key steps in registering a business, at pagbibigay ng naaangkop na entrepreneurial mindset para sa pagsisimula ng negosyo.