DPWH nagsasagawa ng hyacinth-clearing, dredging operation sa Pampanga river

PATULOY ang isinasagawang declogging at dredging operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga river channels at tributaries partikular na ang pagtatanggal ng makapal na waterlily sa ilog ng Barangay Sta Monica at Sto Nino na karugtong ng Tulaoc River sa bahagi ng San Simon, Pampanga.
 
Ayon kay DPWH Region 3 regional director Roseller Tolentino, natapos nito lamang July 17, 2024 ang Phase 1 clearing ng waterlily at dredging operations ng upstream at downstream sa mga nabanggitna lugar.
 
Base report ni Engr. Donalyn Nacpil, Dredge Master 3, Equipment Management Division of Marine Equipment Section of DPWH Region 3 Office, ang downstream portion ay mula sa Sta. Monica bridge hanggang sa steel bridge sa Sto Nino na may 355 metrong-haba at sa upstream naman ay mula sa Sta Monica Bridge patungo sa Barangay Hall na may 50 metrong-haba.
 
Nabatid kay Nacpil na sinimulan ang operasyon noong April 11, 2024 at umabot sa 63,283 cubic meters ng stilt at waterlily ang kanilang natanggal mula sa  Phase 1 kung saan ginamitan ito ng attachments ng vegetation cutter assembly at cutter suction dredge.
 
Sinabi ni Tolentino na ito ay bahagi ng kanilang flood mitigation program upang maisa-ayos ang daloy ng tubig sa ibat-ibang water channels o tributaries partikular na sa Tulaoc river sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) upang hindi na maulit ang pag-apaw ng Pampanga River sa ilalim ng Tulaoc Bridge na nagdulot ng ilang araw na mabigat na daloy ng trapiko.
 
Samantala ayon kay Assistant Regional Director Melquiades Sto. Domingo na sisimulan na ngayong August 1 Phase 2 ang waterlily clearing operation sa Sto Nino hanggang sa bahagi ng ng NLEX  kasabay ng dredging operation sa Phase 1 upstream.
 
Ayon kay Sto Domingo sa nasabing clearing at dredging ay gagamitan ito ng Amphibious excavator at  IMS Versi dredge machine.
 
Hinihikayat din ni Sto Domingo ang mga local government unit na makipagtulungan sa flood mitigation effort ng DPWH para mapanatili ang kaayusan ng mga kailugan.
 
Gayunpaman, nahaharap ngayon sa di inaasahang sitwasyon ang nasabing ahensiya matapos mapagalaman na mabilis ang pagtubo ng waterlily at inaasahang muling kakapal kung hindi maagapan.
 
“Ilan weeks pa lang mayroon na ulit tumutubo, kaya dapat sila rin (LGU) ay makipagtulungan kumilos din,” wika ni Engr. Nacpil.
 
Aniya, nagawa na ng DPWH ang parte nito sa isinagawang clearing at dredging kung kaya’t ang LGU’ naman ang dapat umaksyon para mapigilan ang muling pag-usbong ng  waterlily.
 
“Gagawa po kami ng narrative report to explain to the higher ups itong na-eencounter sa mga bagong tumutubong waterlily at ‘quiapo’ and if they decided to stay ang mga equipment there for maintaining the river, we are will naman,” ani Nacpil.
 
Ang nasabing decolgging at desilting activities sa Phase 1 & 2 sa Tulaoc river ay inaasahang taon-taon nang magiging bahagi ng DPWH Regional Office program to mitigate flooding.