LUNGSOD NG MALOLOS — Nasa 33 mag-aaral ng Marcelo H. Del Pilar High School o MHPHS ang lumahok sa isinagawang Dalaw Turo at Tree Planting ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Ayon kay DENR Bulacan Information Officer Gillian Robles, ang aktibidad ay kaugnay sa kanilang Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program na matagal ng isinusulong ng kanilang ahensya.
Sa video presentation, ipinakita ang pangkasalukuyang sitwasyon ng kapaligiran sanhi ng climate change at ang tugon ng DENR rito.
Kabilang na riyan ang paglilinis ng kailugan, estero at pagtatanim ng iba’t bang uri ng puno.
Ito aniya ang kauna-unahang face-to face na aktibidad ng DENR Bulacan sa loob ng dalawang taon.
Nagtanim din ang mga lumahok ngpunla ng narra at guyabano.