Deboto di napigilan sa paggunita sa araw ng ‘Undas’

Bitbit ang mga kandila at bulaklak at kani-kanilang mga tent ay hindi napigilan ang mga deboto sa taunang tradisyon sa pag-alala sa mga yuamong mahal sa buhay sa paggunita ng ‘Undas’ sa mga sementeryo sa bansa noong Biyernes para magbigay pugay sa mga mahal sa buhay sa Araw ng mga Santo.
 
Daan-daang libo ang dumagsa sa mga sementeryo sa Metro Manila habang ang iba ay tumawid sa tubig-baha na iniwan ng nakamamatay na Tropical Storm Kristine upang tahimik na magdasal at ipagdiwang ang tinawag na Undas.
 
Ayon kay BGen. Arnold Ibay, na inatasan sa paghawak ng crowd control sa kabisera, na inaasahan niya ang halos isang milyong bumisita sa Manila North Cemetery lamang, kung saan nagsimulang pumila ang mga tao bago mag-umaga para pumasok.
 
Sa Pampanga, tinahak ng mga tao ang madilim na tubig-baha upang bisitahin ang lumubog na sementeryo ng munisipyo ng Masantol.
 
Ang mga bisita ay nagsasagawa ng pilgrimage halos isang linggo pagkatapos magpakawala si Kristine ng mga pagguho ng lupa at pagbaha na pumatay ng hindi bababa sa 150 katao at nag-iwan ng higit sa isang dosenang nawawala.