INANUSIYO ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na nilagdaan na ng Beijing ang kontrata para puhunanan ang konstruksyon ng 1,340-meter Davao River Bridge sa Davao City.
Sa Facebook post ni Huang, ang signing of the commercial contract para sa konstruksyon ng nasabing tulay ay “another milestone for the Philippine-China G2G (government to government) cooperation.”
“China and the Philippines just signed the commercial contract of the consulting services for the conduct of detailed engineering design and construction supervision of the Davao River Bridge,” wika nito.
Ang proposed two-lane Davao River Bridge o Bucana Bridge ay matatagpuan sa estero ng Davao River sa Davao City.
“300 to 500 local people will be employed during [the] peak [of the] construction period,” wika ni Huang.
Sabi pa ni Huang, “looking forward to seeing the Davao River Bridge serve the local economic development and people’s livelihood at an early date.”
Ang mga consultants ay nakatakdang magsagawa ng geotechnical investigation, geodetic surveys, data collection, at pagkumpleto sa detailed engineering design.
Ang survey and design ay nakatakdang matapos sa loob ng anim na buwan habang ang konstruksyon ay inaasahang matatapos sa loob ng 2 taon.