Dam sa Bulacan nagpakawala ng tubig

Dam sa Bulacan nagpakawala ng tubig
Nitong Biyernes ng umaga ay patuloy na agpapakawala ng tubig ang Angat Dam, Bustos at Ipo Dam Matapos lumagpas sa normal water level ang mga ito dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan dulot ng dalawang  low-pressure area sa bansa. ERICK SILVERIO
NAGPAKAWALA ng tubig ang tatlong dam sa lalawigan ng Bulacan dahil sa dalawang araw na pagbuhos ng ulan dulot ng dalawang low-pressure areas na naka-apekto sa maraming parte ng bansa nitong Biyernes.
 
Ang mga nabanggit na water reservoirs ay ang  Angat Dam, Bustos Dam at Ipo Dam.
 
Base sa records mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) as of 9 a.m. nitong Biyernes ay pumalo ang water level ng Angat Dam sa 216 meters. 
 
Nabatid na ang normal high water level is nito ay 212 meters kaya naman napuwersa Ang  Gate 1 na magpakawala ng  1.5 meters, tig-2.0 meters sa Gate 2 at Gate 3 na umabot sa kabuuang 803 cubic meters na discharge waters.
 
Nasa 387 cubic meters naman ang pinakawalan ng Bustos Dam mula sa Sluice Gate nito habang ang Ipo Dam ayon kay PDRRMO head Felicisima L. Mungcal ay nagsimula na rin magpakawala mula sa anim na  6 rubber gates nito na umabot sa 1,009.77 cubic meters.
 
Patuloy na nagbabala ang PDRRMO base na rin sa derektiba ni Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na lumayo sa mga kailugan dahil sa banta ng malaking baha na idudulot ng pagpapakawala.
 
Pinayuhan ni Fernando na siya ring chair ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Center (PDRRMC) ang mga residente partikular na sa mga nakatira sa low-lying areas at malapit sa mga river banks sa bayan ng  Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag City, Malolos City, Balagtas, Bocaue, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy na mag-ingat sa posibleng pag-taas ng tubig baha.