CONGRATULATIONS sa alertong tropa ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS), especially sa kanilang Big boss na si District Collector Marites “Meeks” Martin at sa Assessment group ng puerto.
Kamangha-mangha! Sa totoo lang, nagulat ako at muntik nang mahulog sa upuan habang inuumpisahan tipahin ang balitang ito sa aking computer laptop.
Kasi, sa gitna ng Pandemya, lubhang pahirapan talaga ang makalikom ng sapat na buwis para sa interes ng ating gobyerno.
Pero dahil sa todo-kayod na papupursige, nakamit pa rin ni Coll. Martin ang kanyang minimithing taunang lagpas sa target na koleksyong buwis para sa nakaraang 2021. Nakakabilib!
Base sa datos na ipinadala sa akin ni Coll. Martin, naitala nang kanilang kampo ang nakakalulang umaabot sa P38,113,668,027.91 actual annual revenue collection (January-December) ng naturang taon.
Higit na mataas ang nasabing halaga kumpara sa target na buwis na aabot sa P37,647,910,000.00.
Kaya naman sa suma-total, nagkaroon pa ng tumataginting na P465,758,027.91 tax collection surplus ang POS. Hindi maituturing maliit ang daan-daang milyong halagang ito na sobra sa kanilang target na buwis.
Sino ba naman ang hindi bibilib at sasaludo sa kahusayan at katapatan sa paglilingkod ni Coll. Martin kapag ganyan “excellent ang performance” sa paglikom ng malaking halagang buwis?
Hindi kasi madaling gawin ito sapagkat hindi naman maililihim na patuloy ang pagtamlay ng import at export business sa bansa dulot ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Ibang klase si Coll. Martin! Kakaiba ang talino’t galing sa pamumuno at pamamahala ng kanyang Puerto. Nagulat ba kayo? Opo!
Sa katunayan, alam ba ninyo, dear readers na consistent over-target ang annual tax collection ni Coll. Martin, kung hindi ako nagkakamali ay simula nang pamunuan nito ang kanyang puerto noong 2017? Kahanga-hanga, ‘di ba? Tunay na nakaka-wow ang kanyang pagsisilbi sa ahensya!
Again, kudos sa kampo ng POS, lalo na kay Coll. Meeks Martin na kapuri-puri ang pagganap sa tungkulin! Keep up the good work at mabuhay kayo, team POS!!