Upang palakasin ang transparency at kahusayan sa paghawak ng kaso na kinasasangkutan ng mga tauhan ng pulisya, pormal na inilunsad sa pakikipagtulungan ng Dr. Yanga Colleges, Inc. (DYCI) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang C.L.E.A.R. Track System o Case Log, Evaluation, Access, and Report Tracker kasunod ng isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa Barangay Binang 2nd, Bocaue, Bulacan noong July 15, 2025.
Ito ay ginanap sa Aula Magna Building ng DYCI kung saan pangunahing panauhing pandangal si NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan represented by Commissioner Atty. Ricardo Bernabe III kasama sina Commissioner Atty. Beatrice Aurora Cancio, Commissioner PBGen Josephus Angan (Ret.), Bocaue Vice Mayor Sherwin N. Tugna.

Pinangunahan ni Bernabe ang MOA signing kasama sina NAPOLCOM Region 3 Director Evangeline Almirante, Police Regional Office 3 Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr. at DYCI President Dr. Michael Yanga.
Ang CLEAR Track ay isang uri ng Web app para sa real-time case monitoring o instrumento para mapabilis ang mga proseso ng identification ng isang miyembro ng kapulisan kung mayroon itong kaso o maging sa isang indibidwal kung saan agad na makikita ang track record nito.
“The development of the CLEAR Tracker is a remarkable example of how we can harness academic innovation and youthful talent to advance the mission of government institutions like the National Police Commission. The CLEAR Tracker is more than just a system—it is a powerful step toward a more professional, responsive, and accountable police service,” mensahe mula kay NAPOLCOM Vice Chair and Exec. Officer Atty. Calinisan.
Layunin ng C.L.E.A.R. Track System na gawing digital at mapahusay ang dokumentasyon sa mga kaso gayundin sa pagproseso ng pagsubaybay.
Ang CLEAR Track ay isang web-based na platform na idinisenyo upang tumulong sa pagsubaybay sa mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga tauhan ng PNP sa real time.
Sa mga feature tulad ng pagsubaybay sa status ng kaso, pangangasiwa sa pagpapatupad, at pagsasama sa mga internal na daloy ng trabaho, ang app ay isang malaking hakbang pasulong sa pangako ng Komisyon sa digital innovation at mabuting pamamahala.
Ito ay binuo sa loob ng anim na buwan ng pakikipagtulungan at pagsubok, ang CLEAR TRACK ay higit pa sa isang tech na solusyon—ito ay isang tool para sa pananagutan, na idinisenyo upang alisin ang mga pagkaantala, bawasan ang kalituhan, at suportahan ang napapanahong paglutas ng mga kaso.
Kabilang sa mga bumuo nito ay ang mga bagong graduates ng BS Information Technology program ng DYCI na sina Jomar Soliman, John Rick Salazar, at Adrian Decin mula sa technical guidance nina Jeremy Agapito sa pakikipagtulungan nina Dean Mary Ann Lim, Atty. Cristina Alcantara, Atty. Mylene Eguilos-Caluya, at Director Evangeline Almirante.
Kasama sa mga update sa hinaharap ang pag-access sa mobile, analytics, at mas malawak na pagsasama ng system.
Ipinahayag ni DYCI President Michael Yanga ang layunin ng DYCI’s core value PARAYA sa kanyang welcome message. Ang inisyatiba na ito ay nagpapakita ng pangako sa paglilingkod sa komunidad sa pamamagitan ng pagbabago, pakikiramay, at pakikipagtulungang nakatuon sa layunin.
Kasama sa mga features ng CLEAR TRACK App ay Real-Time Monitoring of PNP personnel with ongoing cases, Case Status Tracking across disciplinary bodies (PLEB, DLOS, etc.), Oversight of Implementation of disciplinary decisions, Integration with NAPOLCOM’s internal workflow to reduce manual handling at Scalability for mobile, analytics, and higher-level case integration in future versions.