BEIJING: Ang muling pagkabuhay ng coronavirus infection sa mga kalapit-bansa ng China ay nagpapataas ng presyon sa Beijing gayundin sa pagsisikap nito na kontrolin ang outbreak dito, pag-aamin ng isang state health official nitong Miyerkules.
Ayon sa National Health Commission (NHC) spokesman Mi Feng, siyam na probinsiya sa East Asian country ay kapwa mayroon reported na mahigit 100 Covid-19 cases simula sa pagpasok ng Agosto, mahigit sa 2,000 kaso sa southern Hainan province.
Nabatid na ang latest outbreak sa Sanya, kabilang sa coastal resort city ng Hainan ay patuloy sa pagtaas.
Nasa 125 ng mahigit 80,000 stranded sa Sanya nitong weekend dahil sa fresh Covid-19 infections na na-detect dito ang lumisan na sa nasabing lungsod via plane papuntang city of Xi’an.
Ang sitwasyon naman ng coronavirus sa ibang mga rehiyon gaya ng Xinjiang, Inner Mongolia at Guangdong, ay mabilis na lumilipat kaya naman kumakalat na ang babala sa panganib ng komunidad dulot ng virus.
Ang 22 infections na nadiskubre sa Tibet — ay napuwersa ang mga kinauukulan dito na isara ang Potala Palace, ang former home ng ipinatapong si Dalai Lama nitong Martes.
“Tibet’s economy is dependent on tourism, and the Potala Palace is a key attraction, with hundreds of thousands of visitors each year,” sabi ng NHC.
“Their strict compliance with this approach has resulted in significant supply chain snarls affecting the global economy, slowing its growth”.
As of Tuesday, umabot na sa 3.427 billion Covid-19 vaccine doses ang naiturok sa Chinese mainland. Halos 239 million katao mula 60 years old pataas na nabakunahan na.
SOURCES: (Xinhua News Agency)