CAREER GUIDANCE KAILANGAN NG MGA MAGAARAL

Muli ay nakatanggap tayo ng ulat mula sa Guidance Department ng isang Paaralan,  ang Gabay sa isang maganda at matagumpay na buhay, narito po: Career Guidance ito ay ginaganap sa taunang aktibidad ng isang tagapayo ng paaralan, bilang bahagi ng programa ng Guidance Department ng paaralan na kung saan ang dinadaluhan  ng mga mag aaral sa Junior High School.

 

Ang layunin ng programang ito ay upang matugunan ang kanilang kaalaman sa pag pipili ng kanilang mga kakera, Sa taong ito ang tema ay “Gearing Up Towards a Better Tomorrow,” dito sinasalamin ang kanilang mga sarili base sa mga kasuutang pang propesyon o naka-base sa mga ideal profession ng mga mag aaral.

 

Sa ganitong gawain naipapaliwanag ng Tagapayo ng paaralan, kung paano mag Plano ng karera, paano mag desisyon ng tama at dapat isa alang-alang ang kanilang mga skills. Dapat kilalanin ang sarili na dapat masaya sila sa pinili nilang karera, alamin ang tinatawag na marketability na kung itong napili nilang kurso ay in-demand pa sa market kapag natapos nila ito.

 

Ang financial resources ay isa din na dapat isaalang-alang,  kung sapat ang budget na ma-sustain ang gastusin na hindi lamang sa umpisa ng semester. Kasi kung hindi, ang mangyayari ay magpalipat-lipat na lamang ng kurso bawat semester, hanggang sa tumagal at hindi na ito matapos.

 

Sa family factors din minsan, ipipilit ng magulang ang kursong gusto nila alang-alang sa bisnes na mayroon sila, para may taga-pagmana o ang knilang anak ang sasalo sa iiwanang negosyo ng pamilya.

 

May mga pamilya na ang paniniwala ay naiiba, na dapat lahat ng mga lalaking anak sa pamilya ay maging mga engineers o lawyers, kaya minsan ang nangyayari kapag pilit ang kinuhang kurso ng bata, dahil sa kagustuhan ng magulang ang line ng work na pinapasok ng anak ay nagkakaroon ng job mismatch. Ang isa pa na dapat e-consider ay naiiba ang time, kasi ang iba short courses na lang ang kinukuha, para mas mabilis makapag tapos,  para mas maaga makapag trabaho.  Ito ay iilan lang na dapat ibahagi sa mga mag –aaral. Ipaalam at iparamdam sa kanila na dapat bawat Filipino ay professional, at bawat bata ay makapag aral. Dahil kahit kailan hindi hadlang ang kahirapan, kapag ang isang anak ay gustong magkaroon ng magandang kinabukasan.

 

Ito ay mando ng Department of Education para sa mga nasa Sekondarya. Muli ang Career Guidance ay isang programa ng Guidance Department ng Paaralan, na pinangungunahan ng guidance counselor at mga adviser ng grade 10. Salamat sa iyo Katropa.

 

Tsk! Tsk! Tsk!  Salamat sa inyong pinadalang ulat. Nawa ay patuloy ninyo kaming bahagian ng inyong mga programa na paborable sa ating mga magaaral. Mabuhay po kayo!