MANILA, Philippines- Nakahandang maglaan ang Social Security System (SSS) ng calamity loan assistance program para sa overseas Filipino workers (OFWs) na miyembro ng pension fund at apektado ng magnitude 7.2 na lindol na yumanig sa Taiwan.
Ito ang ipinahayag ni SSS president at CEO Rolando Macasaet sa mga mamamahayag noong Abril 4, 2024 sa isang press briefing kaugnay ng sinapit ng mga kababayang Filipino sa Taiwan na tinamaan ng lindol kamakailan.
“I understand that there are about 10,000 [active members] working in Taiwan and a lot of them were affected by the earthquake… so for the first time, we will be extending a calamity loan of up to P20,000,” ani Macasaet sa isang press conference sa Quezon City.
Patay sa lindol na tumama sa Taiwan, pinakamalakas sa loob ng 25 taon, ang siyam na indibidwal, habang sugatan ang mahigit isang libo.
Ani Macasaet, ilalabas ang alituntunan sa calamity loan na iaalok sa OFW-members sa Taiwan sa Lunes, kapag naaprubahan ng Social Security Commission.
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na tatlong Pilipino ang nagtamo ng minor injuries kasunod ng lindol sa Taiwan.