Bulacan solo parents, youth suportado ang KiBam

Nagpahayag ng solidong pagsuporta ang sektor ng solo parents at kabataan sa lalawigan ng Bulacan para kena former senator Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa ginanap na launching ng “KiBam” sa bayan ng Guiguinto, Bulacan nitong Sabado, November 9, 2024.
KIBAM sa Bulacan- Mainit ang naging pagtanggap kena dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino kasama si Senator Risa Hontiveros sa ginanap na launching ng “KiBam” sa lalawigan ng Bulacan, Sabado (November 9).
 
Ang “KiBam” ay bahagi ng grassroot campaign nina Pangilinan at Aquino sa tulong ni Senator Risa Hontiveros kung saan umabot sa 2,500 Bulakenyo mula sa multi-sectoral group ang dumalo sa Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center.
 
Mainit ang naging pagtanggap kena Hontiveros, Pangilinan at Aquino ng libu-libong Bulakenyo mula sa sektor ng solo parents, youth, estudyante, magsasaka, manggagawa, at mangingisda kung saan sinamahan sila ni Guiguinto Mayor Agatha Paula Cruz, Vice Mayor Banjo Estrella at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
 
Majority sa mga dumalong supporters ay ang solo parents at mga estudyante mula sa Bulacan State University na nagpahayag ng solidong pagsuporta sa “KiBam”.
 
“Sana po ay tuloy-tuloy na itong ating pagsasamahan dahil kailangan po natin ng kakampi sa Senado! Kailangan po natin sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino,” wika ni Hontiveros.
 
Ang pagbisita ng KiBam sa Bulacan ay 2nd leg ng grassroot campaign nila kung saan unang inilunsad ito sa National Capital Region.