Bulacan rebel returnees tumanggap ng P20K 

sustainable livelihood DSWD
Sampung mga rebel returnees sa lalawigan ng Bulacan ang nakatanggap ng tig-P20,000 cash aid sa ilalim ng sustainable livelihood program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang distribution ay pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare Office (PSWDO) sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando; Bise Gob. Alex Castro; Lamberto Villanueva, Focal DSWD Field Office 3; .LtCol. Ronnel Dela Cruz, Commanding Officer ng 70Infantry Battalion, 7th Infantry Division; 1st Lt Patricia Louise Ochate, Acting Civil Military Officer ng Philippine Army (PA) at Rowena Tiongson, hepe ng PSWDO na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium Lunes, Abril 24, 2023. Kuha ni: ELOISA SILVERIO
NAKATANGGAP ng livelihood assistance ang sampung dating mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan noong nakaraang taon bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na matulungan sila na makapagsimula ng bagong pamumuhay.
 
Bawat ex-rebels ay nakatanggap ng P20,000 sa ilalim ng sustainable livelihood program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng isinagawang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mahigit 1,200 beneficiaries mula naman kay Senator Imee Marcos na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos kamakalawa (Abril 24, 2023).
 
Pinangunahan nina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro ang pamamahagi ng cash aid kasama ang mga opisyales na sina LtCol. Ronnel Dela Cruz, Commanding Officer ng 70Infantry Battalion, 7th Infantry Division at 1st Lt Patricia Louise Ochate, Acting Civil Military Officer ng Philippine Army (PA), at Lamberto Villanueva, Focal DSWD Field Office 3.
 
Ayon kay Rowena Tiongson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Bulacan, ang nasabing financial assistance ay dagdag suporta para sa sampung dating mga rebelde habang sila ay namumuhay sa lipunan kasama ang kanilang mga pamilya.
 
Nabatid na bukod sa ipinagkaloob  ng DSWD ay una nang nagbigay si Gov. Fernando ng tig-P15,000  sa mga nasabing rebel surenderees na bahagi ng programa ng pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng panimulangkabuhayan ang mga rebel returnees.
 
Pakiusap ng gobernador na pag-ingatan at pangahalagahan ang mga kaloob na suporta at tulong para sa kanilang pagbabagong-buhay kasama angkanilang mga mahal sa buhay.
 
Ang hakbang na ito ayon kay Lt. Col. Dela Cruz ay pagpapatrunay na sinsero ang gobyerno sa programang ipinatutupad ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan.