LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang nakikita ang potensiyal na maging isang first world province, pumirma ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ng kontrata kasama ang Palafox Associates para sa pag-a-update ng Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) ng Lalawigan ng Bulacan na isinagawa sa Palawan Hall sa Edsa Shangri-la, Lungsod ng Mandaluyong kamakailan.
Binalangkas naman ni Arkitekto Felino A. Palafox, Jr., principal architect at urban planner ng Palafox Associates ang kanyang mga bisyon para sa lalawigan sa susunod na 15 taon.
“Natulungan ko ang Dubai, desert town ng Dubai, na maging first world in 15 years, because there are roots of Dubai which I see also in the leadership here– visionary leaders, strong political will, good appreciation of urban planning, good appreciation of good design architecture engineering, excellent management and good governance. With those ingredients, I think Bulacan can be ahead to join the first world,” ani Palafox.
Aniya, malaki ang potensyal ng Bulacan sa larangan ng paglago at pag-unlad, at sinabing ang lalawigan ay apat na beses na mas malaki sa Metro Manila, Singapore at dalawa at kalahating mas malaki sa Hong Kong.
“The first highest development potential counter-magnet to Metro Manila is Bulacan. The topography is so nice like we can plan from ridge to reefs– from the top of the mountain, highlands, lowlands and coastal areas,” dagdag pa niya.
Sa kanyang mensahe, binanggit ni Fernando na parehong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at San Miguel Corporation ay may pantay na bahagi sa pagsusulong ng pag-unlad ng lalawigan, dahilan upang maisakatuparan ang contract signing.
“Bulacan now is the target– the target of economy, the target of development and infra, everything po. We cited already kung ano ang dapat gawin, may mga bayan na inilagay namin under economic development, ‘yung ibang bayan naman ay under sa infra,” ani Fernando.