Bulacan patuloy sa paghatid ng programang pangkalusugan

Ayon kay Bise Gob. Alex Castro, hindi magsasawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa paghatid ng mga kapaki-pakinabang na programa gaya ng programang pangkalusugan kung saan ay bumababa sila kasama si Gob Daniel Fernando sa mga bayan-bayan para maghatid ng serbisyong medikal.
TULOY-TULOY ang paghatid ng serbisyong medikal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alex Castro sa isinagawang medical mission kamakailan sa bayan ng Angat, Bulacan.
 
May temang  “Damayan sa Barangay at Pinas Lakas Booster Vaccine”, bumaba ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga bayan-bayan at isa na rito sa mga nakatanggap ng libreng serbisyong medikal ay ang mga residente ng Niugan sa Angat, Bulacan.
 
“Sa amin pong pagbisita ay nakapagbigay po tayo ng tulong medikal at libreng konsultasyon at gamot sa mga Angateño na nakasama natin. Mayroon din pong librend dental check up, body massage, at gupitan,” ayon kay Bise Gob. Catsro.
 
Aniya, masugid ang Pamahalaang Panlalawigan sa direksyon ni Gob. Fernando na masuyod ang buong lalawigan, lalong-lalo na po ang malalayong lugar sa lalawigan.
 
Kabilang na rito ang mga bakuna o booster vaccine para sa mga bata at matatanda kontra sa ibat-ibang mga sakit.