ISINAILALIM ngayon sa “state of calamity” ang buong lalawigan ng Bulacan makraang lumubog sa baha na dulot ng malakas na buhos ng ulan dala ng Habagat at bagyong Egay ang halos 24 munisipalidad at lungsod sa nasabing probinsiya.
Inanunsiyo ni Governor Daniel R. Fernando nitong Lunes ang deklarasyon ng state of calamity makaraang magsagawa ng special session Linggo ng gabi ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni presiding officer Vice Gov. Alexis Castro base na rin sa mungkahi ng gobernador.
Si Fernando na siyang chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na napilitan ang provincial government na ibaba ang “State of Calamity” dahil sa idinulot na damage na epekto ng pagbaha sa mga agriculture, livelihood at infrastructure.
Ayon kay Rowena Tiongson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang bilang ng apektadong Bulakenyo unofficial ay aabot sa 170,000 families o 850,000 individuals kung saan ang 30,000 rito ay mula sa bayan ng Calumpit.
Patuloy pa ang isinasagawang validation para sa final report ng bilang ng mga affected families/ individuals na binaha dahil sa lan dala ng habagat, Egay, high tide, dam release, back-flooding galing Pampanga, Nueva Ecija at sa upstream ng Angat in Bulacan.
Sa ipinadalang situational report ng PDRRMO ng Damage Assessment Report ay nasa 4,784 families o 18,392 individuals ang inilikas sa 163 evacuation centers ng 24 munisipalidad kabilang ang Cities of Malolos, Meycauayan at San Jose Del Monte.
Ayon sa gobernador, tinatayang nasa P80-million ang sinira ng bagyo sa agrikultura sa Bulacan puwera sa imprastraktura.
Nabatid na P24.6-million ang nasira sa 3,686 hectares of rice ng nasa 2,707 farmers; P39.8-million ng 156 vegetable plantation ng 506 farmers; P15-million mula sa 417 hectares of fishery farms ang naging damage ng baha na umabot sa 3-5 talampakan.
Nitong Lunes ay namahagi ng food packs sina Fernando at Castro kasama ang Guiguinto local government sa pamumuno ni Mayor Paula Agatha Cruz at kawani ng PSWDO para sa 1,500 families sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Guiguinto.
Sinuspinde rin nitong Lunes ang lahat ng trabaho sa pampubliko at pribadong tanggapan at klase sa mga pampublikong paaralan.