Nitong nakaraang ilang araw ay nakumbida tayo nila July Puddoc, isang radio reporter at ni Reyna Mamicpic, mula sa Governor’s Office, upang saksihan ang pamimigay ng ayuda sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nila Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro, ginanap sa Ebenezer Christian Academy, Quirino Highway Bgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte, kamakailan.
Tinalakay ni Gov. Fernando sa kanyang talumpati ang magulong pulitika na nangyayari sa itaas ika nya, at hinihiling sa lahat ng dumalo na ipanalangin na maging payapa ang lahat. Ang pagdarasal sa Panginoon ay kinakailangan, hindi lang sa oras na may problema ang isang tao. Dapat magpasalamat lagi sa Diyos, kung saan galing ang lahat ng biyaya, tulad ngayon may biyaya kayo, wika pa ni Fernando.
Gayundin ang maayos na pagsasama nila ni VG Castro, na ayon kay Fernando, ay tuloy-tuloy lang ang serbisyo nila, at patuloy ang ugnayan. Sapagkat ang pagkakagalit ay hindi magkakaroon ng pagkakaisa. Binanggit din niya ang importansiya ng Edukasyon, kalusugan at pagkakaroon ng programa sa mental health, upang matulungan ang lahat.
Nabanggit din ng Gobernador ang kahalagahan ng Damayan sa Baranggay at Damayang Filipino Movement Inc., na nagsasagawa ng medical mission, na anya ay kanyang itinatag noon pang 2008. Ito anya ay tumutulong matagal na lalo na sa pagbibigay ng medical services, medical mission, livelihood program, educational assistance, feeding program at bloodletting.
Tsk! Tsk! Tsk! Batay sa ating nakalap at kuro-kuro, malaki ang naging kontribusyon ni Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro upang maibsan ang mga hamon na kinakaharap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng iba’t ibang mga hakbangin na naglalayong pahusayin ang bisa at abot ng programa.
Aktibo silang nakikibahagi sa mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang matiyak na ang tulong pinansyal ay makakarating sa mga nilalayong pamilya, lalo na sa panahon ng krisis tulad ng pandemya ng COVID-19.
Nakatuon ang kanilang administrasyon sa pagpapabuti ng access sa mga mahahalagang serbisyo, tulad ng ating nabanggit sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, na mga kritikal na bahagi ng balangkas ng 4Ps. Nagpatupad pa rin sila ng mga programang nakabatay sa komunidad na nagbibigay ng pagsasanay sa kasanayan at mga pagkakataong pangkabuhayan para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila na makamit ang self-sufficiency at mabawasan ang pagdepende sa tulong ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga lokal na ahensya at non-government na organisasyon, pinalakas nina Fernando at Castro ang mga sistema ng suporta para sa mga pamilyang ito, sa gayon ay nag-aambag sa mas napapanatiling epekto ng 4Ps sa Bulacan. Hanggang sa muli.