Broadcaster tinambangan, patay 

PATAY ang isang beteranong mamamahayag na si Percival Mabasa, kilala bilang “Percy Lapid, isang veteran radio broadcaster matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga salarin na riding in tandem sa Las Pinas City nitong Lunes ng gabi.

PERCY LAPID
Photo CTTO

Ang 63-anyos na radio broadcaster ng DWBL 1242 station ay sakay ng kaniyang Toyota Innova na may plakang NGS 8294 nang tambangan ng 2 armadong riding in tandem sa Aria St. Sta. Cecilia Village, Talon Dos. 

Agad namang bumuo ng  Special Investigation Task Group (SITG) ang Las Piñas City Police sa pangunguna ng hepe rito na si PCol. Jaime Santos Kung saan kinakalap na nila ang mga ebidensiya mula sa scene of the crime operatives (SOCO) Gaya ng kopya ng CCTV footage, mga narekober na basyo ng bala at ang cellular phone subject for digital forensic test.

“Nagkakaroon po kami ng elimination process kasi mayroon naman siyang personal na buhay at hindi rin natin madiscount at baka may iba pang nangyari prior to that na hindi connected sa kaniyang trabaho (We are having an elimination process because he has a personal life and we can’t discount it and maybe something else happened prior to that that is not connected to his work),” ayon kay Jaime.

Inaalam na rin ng pulisiya at iniimbistigahan ang lahat ng posibleng anggulo at motibo ng pamamaslang at kung ito ay may kinalaman sa kaniyang propesyon bilang radio commentator.

“We understand the call of the family and different groups to expedite the investigation of the case. These requests will not fall on deaf ears. Establishing the motive of the case can help us in going to the bottom of this,” ani Jaime.