Bong Go namahagi ng cash/ food assistance sa 2,500 residente sa Meycauayan

NAMAHAGI si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ng cash at food assistance para sa 2,500 Typhoon Carina-affected individuals/ families sa Meycauayan City nitong Agosto 19, 2024.
Nasa 2,500 individuals/ families na nasalanta ng Bagyong Carina ang tumanggap ng cash at food assistance mula kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kasama sina Meycauayan City Mayor Henry Villarica at 4th District Rep. Lynabelle Ruth Villarica sa ginanap na distribution sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City nitong Agosto 19, 2024. PHOTO BY ELOISA SILVERIO
Ang payout ng tig P2,000 at distribution ng relief food packs ay personal na ipinagkaloob ni Go kasama sina 4th District Congresswoman Lynabelle Ruth Villarica at Meycauayan City Mayor Henry Villarica at movie/ TV action star Phillip Salvador na ginanap sa Cadena De Amor St., Barangay Saluysoy.
Ang pamamahagi ay bahagi ng Distribution of Local Government Support Fund (LGSF) sa inisyatiba ni Sen. Go.
Ang mga beneficiaries ay mula sa sector ng Lesbian Gay Bisexual Transgender Queer (LGBTQ), Job Order (JO) employee ng city government, Coordinators at Assistant Coordinators of Team Villarica.
Sila ay nakatanggap ng bigas, noodles, delata at cash P2K each. Nagkaloob din s Go ng cellphone, mountain bike at mga bola para sa mga kabataan.