Bong Go binuksan ang ika-156 Malasakit Center sa Bulacan

Bong Go binuksan ang ika-156 Malasakit Center sa Bulacan
Senator Christopher Lawrence “Bong” Go leads the inauguration of the 156th Malasakit Center during its formal opening held in Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte in Barangay Bagong Buhay, City of San Jose Del Monte on March 6, 2023. Also in photo are (From L-R) CSJDM Mayor Arthur Robes, Lone District Congresswoman Rida Robes and Dr. Erbe Bugay, chief of Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte. (Photo from Philippine Information Agency-Bulacan)
PORMAL na binuksan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang ika-156 na Malasakit Center na matatagpuan sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte sa Barangay Bagong Buhay, City of San Jose Del Monte (CSJDM) ngayong Lunes, Marso 6, 2023.
 
Ang pagbubukas ng ika-156 na Malasakit Center sa buong bansa at ikatlo sa lalawigan ng Bulacan ay tinunghayan ng mga opisyales ng  City Government of SJDM sa pamumuno ni Mayor Arthur Robes kasama ang kaniyang asawa na si Congresswoman Rida Robes ng Lone District ng CSJDM.
 
Nabatid na ang unang Malasakit Center na naitayo sa Bulacan ay ang nasa Bulacan Medical Center sa Malolos City na binuksan noong 2018 at ang kasunod ay sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital (RMMMH) sa bayan ng Sta. Maria noong 2020.
 
Ito ay magsisilbing ‘one-stop shop’ medical center na magpapabilis sa delivery ng medical services t makapaghatid ng free medical assistance at mga gamot sa mga poor patients.
 
Ayon kay Go, ang mga pasyente partikular na ang mga mahihirap na naka-confine sa ospital na mayroong Malasakit Center ay makaka-avail ng mga medical assistance mula sa mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp., at Philippine Charity Sweepstakes Office, na naglalayong makatulong sa mga benepisyaryo na ma-avail ang “zero balance” sa kanilang medical expenses.
 
Patuloy na sinasabi ng senador sa mga pasyente na mag-avail ng mga nasabing government’s medical assistance programs sa pamamagitan ng Malasakit Centers para sa mas mabilis na aksyon at affordable health care services.
 
Si Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography matapos ang inagurasyon ay tumungo at binisita ang Super Health Centers (SHC) na ginagawa sa Barangay Tower Vill at Minuyan na matatagpuan sa nasabing lungsod.
 
Ang Super Health Center sa CSJDM ay kabilang sa 14 na SHC na nagkakahalaga ng P161 million o P11.5 million bawat isa na pinondohan ng national government na itatayo sa lalawigan ng Bulacan.
 
“The Super Health Center is a medium type polyclinic that will be run by the local government unit,” wika ni Go.
 
Layunin nito ang mailapit sa tao ang mga kakailanganin nitong health services sa oras ng emergency.
 
Lubos naman nagpasalamat ang mag-asawang Robes sa patuloy na suporta at programang ibinababa ni Go sa kanilang lungsod.